• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot isinelda sa pananaksak sa kapitbahay sa Valenzuela

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 29-anyos matapos pagsasaksakin ang kanyang kapitbahay makaraan ang kanilang mainitang pagtatalo sa Valenzuela City.

 

 

Ayon kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na kinilala bilang si Marc Ale Canuto, 29 ng Dela Cruz, Dulong Tangke, Brgy. Malinta.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon ni PCpl Raquel Anguluan, mataas umano ang boses ng suspek na nanita dahil may nakaharang na bisikleta sa kanyang daanan nang umuwi ito sa kanilang bahay.

 

 

Tinangka siyang awatin ng kapitbahay na si Jay, 38, subalit nauwi ang dalawa sa mainitang pagtatalo hanggang sa maglabas ng isang improvised knife si Canuto at inundayan ng apat na saksak sa tiyan ang biktima.

 

 

Kaagad isinugod ang biktima sa Valenzuela Emergency Hospital at kalaunan ay inilipat sa Valenzuela Medical Center kung saan siya patuloy na ginagamot habang naaresto naman ang suspek ng rumespondeng mga tauhan ni Sub-Station 4 commander PCpt Ronald Sanchez at narekober sa kanya ang ginamit sa pananaksak na isang improvised knife. (Richard Mesa)

Other News
  • PDu30, payag na sa ospital na lamang magsuot ng face shield

    KINUMPIRMA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na payag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sa ospital na lamang magsuot ng face shield.   “I can only confirm what Senate President Tito Sotto and what Senator Joel Villanueva said earlier that the President did say.. that the wearing of face shield should only be in hospitals,” […]

  • Bulacan, tumanggap ng parangal bilang Best Performing LGU

    LUNGSOD NG MALOLOS- Hinirang ang Lalawigan ng Bulacan bilang isa sa mga Best Performing Local Government Unit sa kategoryang Total Doses Administered noong National Vaccination Days sa ginanap na Recognition of the Best Performing Local Government Units on Safety Seal Certification Program, VaxCertPH Program, and National Vaccination Days sa Main Mall Atrium, SM Mall of […]

  • Wala pang data para maibaba ang Metro Manila COVID-19 alert sa level 3- Roque

    WALA pang nakikitang data ang mga awtoridad para suportahan ang panawagan na ibaba ang Metro Manila’s COVID-19 alert level sa Alert level 3 ngayong linggo.   Sa kasalukuyan, ang national capital region ay nasa ilalim ng alert 4 hanggang Huwebes na may 5-level system kasama ang granular lockdowns.   “Sa ngayon po, wala pang datos […]