Kelot kalaboso sa pananakit at panghahablot ng cellphone
- Published on August 6, 2021
- by @peoplesbalita
SWAK sa kulungan ang isang 21-anyos na snatcher matapos hablutin ang mobile phone ng isang dalaga at sinamapak pa ang nagmalasakit na vendor Martes ng hapon sa Malabon City.
Nabawi ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 sa suspek na si Syruz Bronuela, residente ng No. 10 Lingkod Nayon, Brgy. Tugatog ang hinablot niyang touch screen mobile phone kay Sharina Marie Salor, 32 ng 13 Consuelo St. Brgy. Acacia matapos masakote sa ginawang follow-up operation.
Sa isinumiteng ulat nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Mardelio Osting kay Malabon Police chief P/Col. Albert Barot, kausap ng biktima sa video call ang isa niyang suki sa pagtitinda sa harap ng kanyang tirahan dakong alas-5:30 ng hapon nang lapitan ng suspek at marahas na hinablot ang kanyang cellular phone.
Humingi ng saklolo ang biktima na tinugunan naman ng kanyang pinsan na si Salmer Dela Cruz, 34, subalit nang patungo na sa barangay hall ng Brgy. Tugatog ang dalawa upang magreklamo, biglang sumulpot muli ang suspek at sinapak sa mukha si Dela Cruz.
Nahaharap ngayon sa mga kasong robbery snatching at physical injury si Bronuela sa piskalya ng Malabon City. (Richard Mesa)
-
Navotas solon kabilang sa “Top 3 Perfroming Representatives”
KASAMA si Navotas City Congressman Toby Tiangco sa mga “Top Performing Representatives” ng bawat distrito ng bansa sa isinagawang “job performance” survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD). Base sa inilabas na “Boses ng Bayan” nationwide survey, nanguna sina Sandro Marcos (95.8%), Kristine Singson (95.6%), Duke Frasco (95.6%), Pablo John Garcia (95.2%), […]
-
Defending champion Bucks isang panalo na lang para umusad sa 2nd round
ISANG panalo na lamang ang kailangan ng defending champion na Milwauke Bucks para umusad sa second round ng NBA playoffs matapos na ilampaso ang Chicago Bulls sa score na 119-95. Dinomina ng dating MVP na si Giannis Antetokounmpo ang laro nang kumamada ng 32 points, 17 rebounds at seven assists upang iposte ang […]
-
3 huli sa aktong sinisipsip ang krudo sa trak sa Valenzuela
SIBAK na sa trabaho, kulong pa ang tatlong kawani makaraang mahuli sa aktong sinisipsip ang krudo sa trak na pag-aari ng pinagtatrahuhan nilang kompanya sa Valenzuela City. Kinilala Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr ang mga naarestong suspek na sina Dandreb Acosta, 42, ng Saint Francis Village, Meycauayan, Bulacan, Edgardo Garcia, 23, […]