Kelot kulong sa pagpalag sa parak at higit P.3M droga sa Caloocan
- Published on December 21, 2024
- by @peoplesbalita
SA kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos tangkain pumalag sa parak at makuhanan pa ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa Caloocan City.
Sa report ng Caloocan City Police Station kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station sa Robes 1, Barangay 175, Camarin, nang maispatan nila ang dalawang lalaki na nagta-transaksyon umano ng ilegal na droga dakong alas-3:00 ng madaling araw.
Nang mapansin ng dalawa ang kanilang presensya, nagtangkang tumakas ang mga ito kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang makorner si alyas “Tobats”, habang nakatakas naman ang kasama nito.
Nakuha sa suspek ang isang medium-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 49.6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P337,280.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 151 of the Revised Penal Code (Disobedience to a Person in Authority) at Section 11, Article II of Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Pinuri naman ni Col. Ligan ang Caloocan police sa kanilang pagbabantay at dedikasyon. “Their swift action in arresting the suspect and enforcing the law is a testament to the unwavering commitment of the entire police force to making Metro Manila a safer place for all,” pahayag niya. (Richard Mesa)
-
Fernando, lumagda sa kasunduan para sa anti-illegal recruitment at human trafficking
Lumagda si Gob. Daniel R. Fernando sa isang kasunduan para sa Anti-Illegal Recruitment Trafficking in Persons (AIRTIP) kasama ang Department of Labor and Employment, Philippine Overseas Employment Administration, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Technical Education and Skills Development Authority, League of Municipalities, at OFW Family Circle Federation of Bulacan na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium […]
-
Bicam laban sa pag-abusong sekswal at iba pa, niratipikahan ng Kapulungan
MGA ULAT ng bicam laban sa pag-abusong sekswal sa mga kabataan sa online, pagrepaso ng edukasyon sa Pilipinas at pagpapalakas sa sistemang pinansyal sa agrikultura, niratipikahan ng kapulungan Niratipikahan nitong Lunes ng kamara, ang ulat ng bicameral conference committee sa mga magkakasalungat na probisyon ng House Bill 10703 at Senate Bill 2209, na […]
-
PDU30 nagpabakuna na!
Nagpabakuna na noong Lunes ng gabi si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19 gamit ang China-made Sinopharm vaccine, ayon sa kanyang longtime aide na si Sen. Christopher Lawrence “Bong”Go. Ipinakita ni Go ang pagpapabakuna ng Pangulo sa pamamagitan ng livestream sa Facebook. Si Health Secretary Francisco Duque ang nagturok kay Duterte […]