• March 23, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 football club officials kulong sa stadium crush sa Indonesia

Pagkakakulong  ang naging  hatol sa dalawang football club officials sa Indonesia dahil sa madugong stadium crush noong Oktubre na ikinasawi ng 135 katao.

 

Naganap ang Kanjuruhan stadium crush sa Malang, East Java ng magpakawala ng tear gas ang mga kapulisan sa mga fans na lumusob sa football field.

 

Nakitaan umano ng korte sa Indonesia ang organizers ng home club na Arena FC na guilty sa criminal negligence na naging sanhi ng kamatayan ng maraming katao.

 

Si Abdul Harris ang chairman ng home club organizing committee ay hinatulang makulong ng 18 buwan, habang nag security officer ng club na si Suko Sutrisno ay nahatulang makulong lamang ng isang taon.

 

Base sa ginawang pagsisiyat ng korte, bigo ang mga opisyal na maglagay ng anumang safety measures na naging dahilan ng pagkamatay ng maraming fans.

 

Dismayado naman ang mga pamilya ng biktima ang hatol dahil unang inirekomenda ng piskalya na makulong ang mga respondents ng hanggang anim na taon. (CARD)

Other News
  • Eala umukit ng kasaysayan!

    GUMAWA ng kasaysayan si Alex Eala bilang kauna-unahang Pilipinong tennis player na nakatungtong sa finals ng isang Grand Slam event.     Nagawa ito ni Eala matapos pataubin si ninth seed Canadian Victoria Mboko, 6-1, 7-6 (5) sa semifinals ng US Open girls’ singles kahapon sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa Flushing […]

  • 11 SHOW CAUSE ORDER, INISYU NG DPWH

    MAHIGIT sa 11 show cause order ang inisyu ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanilang mga kawani na nahaharap sa mga alegasyon ng katiwalian. Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay  virtual media forum, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar  na nakikipag-uganayan na ang kanyang tanggapan kay Justice Sec. Menardo Guevarra mula […]

  • Antibody testing sa NBA, ipatutupad

    Upang masiguro na walang palpak sa ginagawang coronavirus testing, idinagdag ng National Basketball Association (NBA) sa kanilang mahigpit na health protocols ang antibody testing bago muling magsimula ang liga.   Ayon sa NBA, ang dead coronavirus cells ay made-detect din sa COVID-19 testing at maglalabas ito ng positive result dahilan para hindi paglaruin ang isang […]