• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot kulong sa shabu at pandadakma ng puwit ng dalagita

KALABOSO ang 27-anyos na lalaki nang makuhanan ng shabu at panggigilang dakmain ang puwitan ng 16-anyos na dalagitang estudyante sa Valenzuela City.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 11313 o ang Anti-Bastos Law at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang suspek na si Jethro Dionson, ng16 Lemon St. Brgy. CAA BF. Homes, Las Piñas City.

 

 

Sa tinanggap na ulat ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas mula kay P/Capt. Richie Garcia, Commander ng Valenzuela Police Sub-Station 9, nagtungo ang biktima, kasama ang mga kaibigan sa isang convenience Store sa Maysan Road, Brgy. Maysan upang bumili ng ice cream dakong alas-8:30 ng gabi.

 

 

Habang nakatayo ang biktima malapit sa pintuan ng establisimiento, nang biglang lumapit si Dionson at dinakma ang puwitan ng dalagita na napasigaw dahil sa pagbigla, sabay itinulak ang suspek.

 

 

Tumakbo ang suspek palabas at nagtago sa kalapit na terminal ng sasakyan habang isang rider naman na nakasaksi sa pangyayari ang humingi ng tulong sa nagpapatrulyang mga tauhan ng SS-9 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

 

 

Dinala ang suspek sa presinto at nang atasan siya na ilabas ang laman ng kanyang bulsa ay natuklasan ang isang plastic sachet na naglalaman ng .05 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340.00. (Richard Mesa)

Other News
  • Pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga PUV drivers, target hanggang March 25 – DOTr

    UMAPELA ang Department of Transportation (DOTr) ng pag-unawa sa ilang PUV (public utility vehicle) drivers na makakaranas ng delay sa matatanggap na fuel subsidy kasunod ng ilang serye nang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.     Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na hanggang Marso 25 nila target maibigay sa mga PUV drivers […]

  • Bukod pa sa pagtatambalan nila ni Aga: JULIA, ‘di big deal kung second choice sa movie nila ni ALDEN

    IPINAHAYAG ng Viva Films na tinanggap na ni Julia Barretto ang bago niyang project, ang “A Special Memory,” na pagtatambalan nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards.      Ito iyong movie na dapat ay pagtatambalan nina Alden at Bea Alonzo, pero nag-beg-off si Bea dahil sa busy schedule nito. Maraming humanga kay Julia dahil […]

  • Skyway 3 toll fee simula na sa July 12

    Sisimulan na ng San Miguel Corp. (SMC) ang pangongolekta ng toll fee sa Skyway Stage 3 sa darating na July 12 kung saan tumagal din ng pitong (7) buwan ang libreng paggamit ng 18-kilometer na Skyway 3.     Gamit ang bagong toll fee matrix na mas mababa kaysa sa dating inihain na toll fees, […]