• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot na-curfew nagbigay ng maling pangalan, kalaboso

Lalong nabaon sa asunto ang isang 30-anyos na lalaki na nagtangkang umiwas sa pagbabayad ng multa sa pamamagitan ng pagbibigay ng maling pangalan makaraang mahuling lumabag sa curfew sa Navotas city.

 

 

Sa ulat na tinanggap ni Acting Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, sinita ng mga tauhan ng Navotas police si Andrew Fernandez, 30 ng C-11 Kapitbahayan, Brgy. NBBS-Kaunlaran alas-12 ng hatinggabi habang naglalakad sa kanto ng Lapu-Lapu at Dalag Streets sa Brgy. NBBS Dagat-Dagatan na malinaw na paglabag sa umiiral na curfew.

 

 

May katapat na pagbabayad ng P1,000. multa ang paglabag sa naturang ordinansa kaya’t nang tanungin ng mga pulis ang kanyang pangalan para sa pagi-isyu sa kanya ng Ordinance Violation Receipt (OVR), nagpakilala siya bilang si Andrew Villaruel.

 

 

Habang isinusulat ng mga pulis sa OVR ang kanyang pangalan, hinanapan siya ng Identification Card upang maberipika kung may iba pa siyang kasong kinakaharap at dito natuklasan na Andrew Fernandez at hindi Andrew Villaruel ang tunay niyang pangalan.

 

 

Sa halip na multa lamang ang katapat sa nagawang paglabag sa ordinansa, kalaboso si Fernandez na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Article 178 ng Kodigo Penal o Using fictitious name or Concealing true name sa piskalya ng Navotas. (Richard Mesa)

Other News
  • RICHARD, may pahabol na bonggang birthday gift sa asawa; netizens napa-’SARAH All’

    WALANG kupas talaga ang init ng pagmamahalan sa pagitan ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.     Mukhang habang nasa lock-in taping pa si Richard ng Ang Probinsyano ay nagawa pa rin nitong supresahin ang kanyang isis na si Sarah. Nag-celebrate na silang dalawa ng birthday ni Sarah, pero may pahabol pa palang birthday […]

  • BALASAHAN NG PERSONNEL SA NAIA

    NAGSAGAWA ng pagbalasa ang Bureau of Immigration (BI) ang halos 400 na personnel nito na naka-assigned sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na bahagi ng ahensiya na maiwasan ang korapsiyon sa kanilang hanay.     Ayon kay BI port operations division chief Atty. Carlos Capulong na may kabuuan na 398 na mga immigration officers na […]

  • Mga heinous-crime convicts, di dapat isama sa bawas sentensiya

    ISINUSULONG nina Reps. Paolo Duterte (Davao City) at Eric Yap (Benguet) na hindi mapabilang ang mga personalidad na nahatulan sa ginawang karumal-dumal na krimen sa pagkuha ng bawas sentensiya sa kanilang hatol gamit ang probisyon na good behavior.     Ang panukala ay nakapaloob sa House Bill  4649 na naglalayong takpan ang sinasabing butas o […]