Kelot na most wanted sa rape, dinampot sa Valenzuela
- Published on March 17, 2023
- by @peoplesbalita
ISANG 31-anyos na lalaki na listed bilang most wanted sa panggagahasa ang nasakote ng pulisya sa manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong akusado bilang si Ron Renee Candaza alyas “Enel”, 31 ng of No. 28 A. Lozada Street, Brgy. Palasan.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Destura na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoen Section (WSS) na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy. Karuhatan.
Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga tauhan ng WSS sa pangunguna ni PLt Ronald Bautista sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Robin Santos, kasama ang Station Intelligence Section (SIS) sa pamumuno ni PCPT Ronald Sanchez at 5th MFC, RMFB, NCRPO ng joint manhunt operation sa A. Pablo Street, Brgy. Karuhatan, dakong ala-1:16 ng hapon na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado.
Ani PLt Bautista, hindi naman pumalag ang akusado nang isilbi nila ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 270, Valenzuela City noong August 18, 2022, para sa kasong Rape by Sexual Assault, Acts of Lasciviousness, Violation of Sec. 5(b) of R.A. 7610 (2 counts).
Pinuri ni BGen Peñones ang Valenzuela CPS sa kanilang masigasig na kampanya kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaarresto sa akusado na pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng VCPS habang hinihintay pa ang ilalabas na commitment order ng hukuman. (Richard Mesa)
-
Bayanihan 2 funds, naibigay at nagamit ng mga ahensiya ng pamahalaan- Sec. Roque
NAIBABA sa mga line agencies o ahensiya ng pamahalaan ang lahat ng P165 billion Bayanihan 2 law funds. Tugon ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na nabigo ang pamahalaan na gamitin ang mahigit na P6 bilyong halaga ng Bayanihan 2 funds na napaso na nitong Hunyo […]
-
Joy Belmonte at Tzu Chi foundation, umayuda sa mga jeepney drivers sa Quezon City
Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at ng mga opisyal ng Taiwanese NGO na Tzu Chi foundation ang pamamahagi ng bigas at grocery items sa may 2,500 jeepney drivers ng Quezon City. Sa isang simpleng seremonya sa QC Hall kahapon, sinabi ni Mayor Belmonte na malaking tulong ang kaloob na ayuda sa mga […]
-
“VENOM: LET THERE BE CARNAGE” HOLDS “FANS FIRST SCREENING EVENT” IN LONDON
LONDON, September 14, 2021 — Director Andy Serkis and lead actor Tom Hardy (and his dog Blue) welcomed lucky Venom followers to the “Fans First Screening Event” for Venom: Let There Be Carnage at Cineworld Leicester Square in London, England. Check out the event’s sizzle reel below, as well as photos taken from the red […]