• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot na nag-abandona sa pamilya, arestado sa Malabon

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 36-anyos na lalaki matapos arestuhin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest nang kasuhan siya ng dating kalive-in makaraang mabigong sustentuhan ang lima nilang anak sa Malabon City.

 

 

Nagmakaawa pa si Mondido Rosales sa dating kalive-in na itinago sa pangalang “Gina” na patawarin na siya sa ginawang pag-abandona sa pamilya matapos sumama sa mas batang kinakasama subalit nagmatigas na tinanggihan ito ng ginang.

 

 

Ayon kay P/SMSgt. Addrich Reagan De Leon, isa sa mga umaresto sa akusado, na nagsimulang umasim ang relasyon ng akusado at ng ginang matapos magsimulang mambabae umano si Rosales ay noong taong 2019 at tuluyan umanong inabandona ng lalaki ang kinakasama sa kabila ng pagkakaroon na nila ng limang anak para pakisamahan ang mas batang kasintahan.

 

 

Noong una’y nagpapadala pa ng sustento si Rosales para sa limang bata subalit nang mawalan ng trabaho bunga ng pandemya, natigil na ang pagbibigay niya ng sustento hanggang sa sampahan siya ng kaso ni Gina noong Disyembre ng taong 2021.

 

 

Nang maglabas na ng warrant of arrest si Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Catherine Therese Tagle-Salvador ng Branch 73 laban kay Rosales nito lamang Agosto 11, 2021, kaagad na iniutos ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot kay Warrant and Subpoena Section head P/CMSgt. Gilbert Bansil ang pagtugis sa akusado.

 

 

Dakong alas-9 ng gabi nang maisilbi nina P/SMSgt. Joey Sia at PMsgt. De Leon kay Rosales ang arrest warrant sa kanyang tirahan sa 144 Arasity St. Brgy. Tinajeros. (Richard Mesa)

Other News
  • NAVOTAS SCHOLARS TUMANGGAP NG ALLOWANCE

    TUMANGGAP ang academic scholars ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng kanilang allowance para sa March hanggang June 2021.     Nasa 62 beneficiaries ng NavotaAs Academic Scholarship ang nakatanggap ng P4,000-P20,800 educational assistance. 55 dito ang high school students, dalawa ang college, at lima ang teachers.     “Metro Manila will be under Enhanced Community […]

  • Debris ng missing Cessna plane sa Bicol natagpuan sa Mt. Mayon

    NAKITA na malapit sa crater ng Bulkang Mayon ang posibleng bahagi ng Cessna 340 plane na nawala kamakalawa sa Albay.     Ayon kay Mayor Carlos Irwin Baldo, Jr. ang debris ng eroplano ay nakuhanan sa pamamagitan ng digital single-lens reflex (DSLR) camera ng isang volunteer dakong alas-10:30 ng umaga sa gilid ng bulkan sa […]

  • Peak ng COVID-19 case noong 2020 nahigitan na

    Nalagpasan na ngayong Marso ang peak ng mga kaso ng COVID-19 na naitala noong Hulyo 2020 kung saan nailagay na sa “high risk” ang Metro Manila at “moderate risk” naman ang lima pang rehiyon sa bansa.     Ayon sa Department of Health, tumaas ang mga kaso sa NCR ng 137% mula Marso 7-20 lamang, […]