Kelot na nagpakilalang pulis arestado sa Malabon
- Published on May 25, 2021
- by @peoplesbalita
BAGSAK sa kalaboso ang isang electrician matapos magpakilalang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Malabon city.
Nahaharap sa kasong Usurpation of Authority or Official Functions (Art 177 of RPC) ang naarestong suspek na kinilalang si Arvin Busa, 26 ng Blk 9, Lot 31, 4th St. Brgy. Tañong.
Ayon kina Malabon police investigators PSSg Mardelio Osting at PSSg Diego Ngippol, nagpakilala ang suspek na pulis at inimbita na mag-inuman ang saksing si Alberto Perez Jr., traffic enforcer at residente ng Esguerra St. Brgy. Flores.
Matapos makaubos ng ilang bote ng alak dakong alas-3 ng madaling araw, naglakad ang suspek at si Perez sa kahabaan ng Gulayan St. Brgy. Concepcion para maghanap ng iba pang venue upang ituloy ang inuman.
Dito, nakilala nila ang isa pang saksi na si Anthony Patola, 34, barangay kagawad ng Brgy. Concepcion kung saan ipinakilala naman ni kagawad si Busa kay Pat. Allan Roquite, 31, nakatalaga sa PCADG, Camp Crame.
Muling nagpakilala ang suspek bilang miyembro ng PNP sa arresting officer subalit, matapos ang isinagawang beripikasyon sa PAIS PNCO napagalaman ni Pat. Roquite na hindi ito totoong pulis na naging dahilan upang arestuhin nito si Busa. (Richard Mesa)
-
VACCINATION SITES SA POOLING CENTER, COMELEC, HINDI PABOR
HINDI pabor ang Commission on Elections (Comelec) sa mungkahi ng Department of Health (DOH) na maglagay ng vaccination sites malapit sa polling centers sa May 9, election. Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, nais nilang tumutok sa main event sa araw na iyon na ang mga mamamayang Pilipino ay bumoto. “Personally, […]
-
Alert Level 0′ , posible kung ang COVID-19 ay magiging endemic —Densing
POSIBLENG ipatupad ang “Alert Level 0” status kung idedeklarang endemic ang COVID-19 sa bansa. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III na ang alert status ay puwedeng ihatol kung ang COVID-19 ay hindi na nakakaapekto sa buong bansa. “Ang […]
-
BFAR atras muna sa imported fish ban
SINUSPINDE ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Biyernes ang pagbabawal sa pagtitinda ng mga imported na isda tulad ng salmon at pampano sa mga palengke at grocery na nakatakda sanang ipatupad sa Disyembre 4. Idineklara ang moratorium sa pagpapatupad sa Fisheries Administrative Order (FAO) No. 195, na ang ibig sabihin […]