Kelot na nanggahasa sa dalagita, timbog sa Valenzuela
- Published on August 7, 2021
- by @peoplesbalita
NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang 19-anyos na lalaking wanted sa mabigat na kasong panggagahasa matapos kumagat sa pain ng pulisya nang muling makipagkita sa biktima sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Si Mark Jayson Pasamonte, residente ng De Castro Purok 4, Mapulang Lupa, Ugong, Valenzuela City ay nahaharap sa tatlong bilang na kasong panggagahasa at paglabag sa R.A. 7610 o Child Abuse sa sala ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Judge Mateo B. Altajeros ng Branch 26 na siyang naglabas ng warrant of arrest laban sa kanya noong Disyembre 11, 2020.
Walang piyansang inirekomenda ang korte sa kasong panggagahasa habang nagtakda naman ng P80,000.00 sa kasong paglabag sa R.A 7610.
Ayon kay P/Lt. Melito Pabon ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD), nalaman nila mula sa 16-anyos na biktima ang paghihimok ng akusado na muling makipagkita sa dalagita sa kabila ng ginawang panghahalay umano sa biktima na naganap noong buwan ng Agosto hanggang Setyembre ng taong 2020.
Kaagad na nakipag-ugnayan ang DSOU kay P/Maj. Vicky Tamayo, hepe ng District Women and Children’s Protection Desk (WCPD) upang isagawa ang pagdakip kay Pasamonte sa pamamagitan ng pakikipagkasundo ng biktima na muli silang magkita ng akusado.
Dakong alas-3:30 ng hapon ng Miyerkules nang makipagkasundo ang biktima sa akusado na makipagkita sa isang bantog na convenience store sa Bagbaguin, Valenzuela City na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.
Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo Jr. ang mga tauhan ng DSOU at DWCPD sa pagkakadakip kay Pasamonte na kabilang sa listahan ng mga most wanted person ng Valenzuela City. (Richard Mesa)
-
Legarda mainit na tinanggap sa Ilocos Sur
TUMULAK patungong Ilocos Sur kahapon si House Deputy Speaker at UniTeam senatorial bet Loren Legarda upang muling hingin ang basbas ng lalawigan kung saan tatlong ulit siyang naging number one senator sa mga nagdaang halalan. Sa kanyang pagbisita sa lalawigan, nangako si Legarda na ipagpapatuloy ang mga programang magbibigay ng trabaho, livelihood assistance […]
-
First time makatrabaho si Diego na gaganap ding anak niya: CESAR, na-challenge kung paano ipu-portray ang role bilang Pres. FERDINAND MARCOS
SA July 20na pala ang showing ng dramedy film na Maid In Malacanang ng Viva Films na mula sa script at direction ni Darryl Yap, kaya puspusan na ang pagsu-shooting nila. Ang movie ay mula sa kuwento ng reliable source ni direk, tungkol sa mga pangyayari sa Palace, 72 hours bago umalis ang […]
-
Ads October 11, 2023