Kelot na tumangay sa bag ng ginang, arestado sa Valenzuela
- Published on August 15, 2022
- by @peoplesbalita
ISINELDA ang isang lalaki matapos tangayin ang bag ng isang out-patient na babae sa isang diagnostic clinic sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.
Kinilala ni PLt Francisco Tannagan, Sub-Station-9 commander ang naarestong suspek bilang si Percival Carlos, 41 ng Balubaran, Brgy., Malinta ng lungsod na nangagarap sa kasong Theft.
Ayon sa ulat, naiwan ni Eloisa Santos, 48, ng Brgy., Gen. T. De Leon ang kanyang bag sa upuan sa waiting area ng diagnostic clinic sa McArthur Highway, Brgy., Karuhatan habang kausap niya ang doctor dakong alas-11:45 ng umaga.
Kinuha ng suspek ang bag ng biktima sa upuan at mabilis na tumakas kaya hinabol siya ng ginang at iba pang pasyente sa clinic habang napansin naman ng napadaan na mga pulis ng SS9 na sina PSSg Darwin Orale at Pat Norbert Rosario ang kaguluhan.
Kaagad tumulong sa paghabol ang dalawang pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at narekober sa kanya ang belt bag ng biktima na may laman, id card, comb, ballpen, at P200 cash.
Nadiskubre ng pulisya na may record ng pagnanakaw (salisi) ang suspek sa Dasmarinas, Cavite noong March 9, 2020, robbery sa Quirino, Quezon City noong June 10, 2018, at robbery at paglabag sa R.A. 10591 sa Baler, Quezon City noong February 8, 2022.
Hinimok naman ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, ang publiko na maging alerto at bantayan ang kanilang mga mahahalagang gamit dahil iba-iba ang modus operandi ng mga kriminal. (Richard Mesa)
-
Ads October 12, 2021
-
‘Overpriced’ laptops iimbestigahan ng Senado
PINAPAIMBESTIGAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel ang isyu kaugnay sa ‘overpriced’ at ‘outdated’ na laptops na binili ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM). Sa Senate Resolution 120 ni Pimentel, inaatasan nito ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations […]
-
Marcial: PBA hihinto sa FIBA
BALAK ipagpatuloy ng International Basketball Federation (FIBA) ang delayed windows ng 2021 Asian Cup qualifiers sa darating na Nobyembre’t Pebrero. Kung hindi pa kontrolado ang coronavirus disease 2019 sa November, hahataw ang mga laro sa FIBA sa kaagahan ng papasok na 2021 para matapos ang torneo ng bago matapos ang Agosto. Pinag-aaralan na ng Philippine […]