Marcial: PBA hihinto sa FIBA
- Published on August 10, 2020
- by @peoplesbalita
BALAK ipagpatuloy ng International Basketball Federation (FIBA) ang delayed windows ng 2021 Asian Cup qualifiers sa darating na Nobyembre’t Pebrero. Kung hindi pa kontrolado ang coronavirus disease 2019 sa November, hahataw ang mga laro sa FIBA sa kaagahan ng papasok na 2021 para matapos ang torneo ng bago matapos ang Agosto. Pinag-aaralan na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang options kapag natuloy ang pinaplano ng world governing cage body. “Most of the national team members are pros, so there’s a big chance the PBA would have to stop action once the players take leave for them to play with Gilas,” lahad ng isang league source kahapon. Magmamadali ang PBA na tapusin ang 45th Philippine Cup sa Enero, kung maihahabol ang pagbabalik ng mga laro ng kahit gitna ng Oktubre. Naipahayag na sa nakalipas na linggo ni PBA commissioner Wilfrido Marcial na Marso o Abril ang susunod na 46th PBA 20201 season. Pero sa kasalukuyan kailangan munang tapusin ang PH Cup na natigil noong Mar. 11 dahil sa pandemiya.(REC)
-
Pfizer, hindi nag-demand sa Pilipinas ng gagamiting kolateral kapalit ng bibilhing bakuna sa kanila-Galvez
SINABI ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na hindi nag-demand ang Pfizer sa Pilipinas kapalit ng bakuna laban sa covid 19 na ipagbibili nito. Para kay Galvez, napakabait ng Pfizer sa Pilipinas lalo pa’t nakita naman nila na may tinatawag na legal challenges ang bansa kaya’t hindi nito binago ang alok nito sa Pilipinas. […]
-
Higit 100 shooters, nakiisa sa AM/FM Invitational Shootfest
MAHIGIT 100 shooters mula sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas Valenzuela) areas ang sumali sa dalawang araw na 1st AM/FM (Along Malapitan For Mayor) invitational shootfest na ginanap sa Caloocan City Police Station Firing Range. Pinangunahan ni Caloocan 1st District Congressman Dale “Along” Malapitan ang pagbubukas ng seremonya ng shootfest sa pamamagitan ng pagtama ng […]
-
Philippine Pediatric Society, may paalala sa mga magulang ukol sa iba pang bakuna na kinakailangan ng mga bata
PINAALALAHANAN ng Philippine Pediatric Society ang mga magulang na huwag ding kalimutang paturukan ng iba pang kinakailangang bakuna ang kanilang mga anak. Ito’y sa kabila ng nagpapatuloy ngayon na vaccination effort ng gobyerno para sa mga batang 5 to 11yo. Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Infectious Disease Expert Chairman […]