Kelot na wanted sa kasong rape sa Valenzuela, nabitag sa Occidental Mindoro
- Published on March 6, 2025
- by Peoples Balita

Ayon kay Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago sa nasabing lugar ang akusadong si alyas “Jonathan” na kabilang sa mga Most Wanted Person sa lungsod kaya agad siyang bumuo ng team mula sa Warrant and Subpoena Section (WSS) at Station Intelligence Unit.
Nakipag-ugnayan si Col. Cayaban sa 402nd Maneuver Company-Regional Mobile Force Battalion (MC-RMFB), 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Mamburao Municipal Police Station sa Occidental Mindoro bilang koordinasyon sa gagawing pagdakip ng kanyang mga tauhan sa akusado.
Dakong alas-6:40 ng umaga nang madakip ng mga tauhan ni Col. Cayaban ang akusado sa tinitirhan niyang bahay sa GCFI Farm II, Brgy Tayamaan, Mamburao, Occidental Mindoro, makalipas magtago ng mahigit 10-taon makarang maharap sa kasong panggagahasa.
Maayos namang naisilbi sa akusado ang warrant of arrest na inilabas noong Enero 9, 2015 ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Branch 75, Presiding Judge Lilia Mercedes Encarnacion A. Gepty.
Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ni alyas Jonathan na pansamantalang ipiniit sa custodial facility ng Valenzuela Police Station habang hinihintay ang utos ng korte sa paglilipat sa kanya sa Valenzuela City Jail. (Richard Mesa)
Other News
-
Maraming niligawan noon pero palaging basted: RURU, inamin na si GABBI lang ang naging girlfriend bago si BIANCA
MALAKING achievement para kay Barbie Forteza ang makapagpatayo ng bagong bahay. Sa katunayan, kaunting panahon na lamang ay tapos na ang ipinapagawa niyang bahay para sa kanyang pamilya. Ayon pa kay Barbie, isa sa espesyal na bahagi ng kanyang bagong tahahan ay sarili niyang audio/visual studio na magagamit niya para sa […]
-
PAOLO, nag-sorry sa lahat ng nadamay, lalo na kina LJ, AKI at SUMMER; YEN, inabswelto bilang ‘third party’
ANG haba ng naging paliwanag ni Paolo Contis sa side of his story sa naging hiwalayan nila ni LJ Reyes. Sa Instagram account nga niya at kinailangan pang 2 parts ang naging statement niya. Inabswelto niya lalo na si Yen Santos na nababalitang third party. Humingi naman siya ng sorry sa […]
-
Ads November 7, 2020