Kelot nagbigti dahil sa depresyon
- Published on January 30, 2021
- by @peoplesbalita
Isang lalaki ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti dahil sa depresyon sanhi umano ng pagkakaroon ng broken family sa Malabon city.
Kinilala ang biktima na si Jomar Urbano, 24, ng No. 8 Mabolo Road, Brgy. Potrero.
Ayon kay Malabon police homicide investigators P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, dakong 1 ng hapon, papasok sana sa banyo ang 8-anyos na pamangkin babae ng biktima upang umihi.
Subalit, laking gulat na lamang ng bata nang makita niya ang kanyang uncle na nakabigti sa loob ng banyo gamit ang isang lubid.
Kaagad niyang sinabi sa kanyang mga kaanak ang natuklasan saka i-nireport ng mga ito sa pulisya ang insidente.
Sa isinagawang imbestigasyon, gumawa ng isang waiver ang mga kaanak ng biktima na naniniwala sila na walang naganap na foul play sa pagkamatay ni Urbano. (Richard Mesa)
-
Kelot na tumangay sa bag ng ginang, arestado sa Valenzuela
ISINELDA ang isang lalaki matapos tangayin ang bag ng isang out-patient na babae sa isang diagnostic clinic sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga. Kinilala ni PLt Francisco Tannagan, Sub-Station-9 commander ang naarestong suspek bilang si Percival Carlos, 41 ng Balubaran, Brgy., Malinta ng lungsod na nangagarap sa kasong Theft. Ayon sa […]
-
OCTA magsusumite ng bagong vaccine model para sa limitadong COVID-19 vaccine
Magsusumite ang OCTA Research group ng vaccine model o paghahambingan ng gobyerno para mabigyan ng tugon ang limitadon suplay ng COVID-19 vaccine sa National Capital Region (NCR) kung saan marami ang kaso ng COVID-19. Sinabi ni Professor Ranjit Rye ng OCTA Research group, ang nasabing model ay nakatuon sa limitadong suplay sa NCR. […]
-
Laylo in, Sadora out sa World Chess Olympiad
KINUHA ng National Chess Federation of the Philippines ang serbisyo ni Grandmaster Darwin Laylo na pinalitan si Grandmaster Julio Catalino “Ino” Sadorra para sa national team na sasabak sa 44th World Chess Olympiad sa Agosto 5 hanggang 18 sa Moscow, Russia. “ Grandmaster Julio Catalino “Ino” Sadorra will be replaced by Grandmaster Darwin Laylo, […]