• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot pinagbabaril sa Navotas, sugatan

SUGATAN ang isang 26-anyos na lalaki matapos pagbabrilin ng dalawang salarin habang naglalakad ang biktima pauwi sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Isinugod sa Tondo Hospital para magamot ang tinamong tama ng bala ng baril sa kaliwang hita ang biktimang si Jeffrey Antonio, 26 ng 269 Roldan St., Brgy. Tangos Navotas South.

 

 

Sa report ni PSSg Karl Benzon Dela Cruz kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, habang naglalakad ang biktima sa kahanaan ng Roldan Street pauwi dakong alas-3:30 ng madaling araw nang bigla na lamang sumulpot ang mga suspek na kilala lang bilang sina “Patrick” at “Tonyo”.

 

 

Agad naglabas ng baril si Patrick at pinaputukan ang biktima na sa kabila ng tinamong tama ng bala sa kaliwang hita ay nagawang makatakbo ni Antonio subalit, hinabol pa rin siya ng mga suspek saka muling pinaputukan.

 

 

Nagawang makarating ng biktima sa Barangay Hall ng Brgy. Tangos at humingi ng tulong sa mga tauhan ng barangay na naging dahilan upang agad siyang itinakbo sa naturang pagamutan.

 

 

Patuloy naman ang follow up operation ng pulisya para sa posibleng pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa pamamaril. (Richard Mesa)

Other News
  • Nagtala ng mataas na ratings: Radyo5 TRUE FM, pinarangalan bilang Best Radio Station sa ’11th Makatao Awards”

    MAY bagong milestone na nakamit ang Radyo5 TRUE FM matapos tanghaling bilang ‘Best Radio Station’ sa 11th Makatao Awards ng People Management Association of the Philippines o PMAP kamakailan.       Ang pagkilalang ito ay nagpapakita ng malaking tagumpay para sa Radyo5 mula nang nag-rebrand ito noong Marso at binago ang kanilang programa upang […]

  • Fernando, kaisa ni PBBM sa pagseseguro ng suplay ng pagkain sa bansa

    LUNGSOD NG MALOLOS – Kaisa si Gobernador Daniel R. Fernando sa layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na masiguro ang sapat na suplay ng pagkain sa bansa.     Bilang hudyat para sa hinahangad na mas masaganang ani at kita ng mga Bulakenyong magsasaka, ang unang pagpapalipad ng isang agricultural drone na binili ng […]

  • Team Philippines sasabak sa 46 sports event sa 2022 Asiad

    Isinumite na ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang listahan ng mga sports events na lalahukan ng mga Pinoy athletes sa 2022 Asian Games sa Hangzhou, China.     Sasabak ang Team Philippines sa 46 sa kabuuang 61 sports events na inilatag para sa 2022 Asiad na nakatakda sa Setyembre 10 hanggang […]