• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot tinodas ng riding-in-tandem sa Malabon

DUGUANG humandusay ang katawan ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo habang nakatayo sa harapan ng inuupahang apartment sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si alyas “Gob”, kilala rin sa alyas “Ka Rodel” matapos isugod ng kanyang mga kalugar.

 

 

Mabilis namang tumakas ang gunman sakay ng motorsiklong minamaneho ng kasabuwat patungo sa hindi nabatid na lugar, bitbit ang ginamit na hindi pa batid na kalibre ng baril.

 

 

Sa ulat nina P/MSgt. Michael Oben at P/SSgt. Bengie Nalogoc kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, habang nakatayo ang biktima sa harapan ng kanyang tinitirhang apartment sa16-F Villarba St. Brgy Tinajeros nang dumating ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo dakong alas-8 ng gabi.

 

 

Kaagad umanong naglabas ng baril ang angkas at pinagbabaril ang biktima sa katawan na nasaksihan ng 26-anyos na testigo na residente rin sa naturang lugar.

 

 

Nakuha sa lugar na pinangharihan ng krimen ng mga tauhan ng Northern Police District Forensic Unit (NPD-FU) ang walong basyo ng bala ng hindi pa tukoy na kalibre ng baril.

 

 

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek at maaresto ang mga ito habang inaalam pa ang motibo sa pamamaslang sa biktima. (Richard Mesa/ Ludwig Lechadores)

Other News
  • Service Contracting, Libreng Sakay magpapatuloy gamit ang 1.285-B budget-DBM

    PATULOY pa rin na makaka-avail ang mga mananakay ng Libreng Sakay kabilang na iyong nasa  EDSA Busway system,  gamit ang halagang P1.285 billion na ilalagay sa Service Contracting program sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) budget ngayong taon.     Ito’y alinsunod sa Republic Act No. 11936, o Fiscal Year (FY) 2023 General Appropriations […]

  • US tennis star Coco Gauff hindi makakapaglaro sa Olympics matapos magpositibo sa COVID-19

    Hindi na makakapaglaro sa Tokyo Olympics si American tennis player Coco Gauff matapos na ito ay magpositibo sa COVID-19.     Ayon sa 17-anyos na US tennis player na labis ito ng nadismaya matapos na malaman na positibo ito sa nasabing virus.     Matagal aniya na pangarap niyang maglaro sa Olympics subalit hindi na […]

  • Face masks kailangan sa loob ng pribadong sasakyan maliban kung nag-iisa

    Ang driver at mga pasahero sa loob ng pribadong sasakyan kahit na nakatira sa iisang bahay ay kinakailangan mag-suot ng face masks.     Sa isang magkasamang pahayag ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Health (DOH) ay sinabi nilang kung nag-iisa naman ang driver sa loob ng sasakyan ay papayagan siyang alisin ang […]