Kerwin ibinunyag si ex-PNP chief Bato ang nag-‘pressure’ para idiin si De Lima, Lim sa illegal drug trade
- Published on October 12, 2024
- by @peoplesbalita
IBINUNYAG ng umano’y drug lord na si Rolan “Kerwin”Espinosa na prinessure umano siya ni noon ay Philippine National Police chief, at ngayon ay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, noong 2016 na aminin na sangkot ito sa illegal drug trade at isangkot ang ilang high-profile individuals, kabilang na sina dating Senador Leila de Lima at businessman Peter Lim.
Ang pagbubunyag ay ginawa ni Espinosa sa kayang testimonya sa pagdinig ng House Quad Committee kung saan ikinuwento niya ang naging karanasan ng kanyang pamilya na biktima ng extrajudicial killings (EJKs) sa ilalim ng kampanya kontra droga noong administrasyong Duterte.
Ang kanyang ama na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, na isinangkot sa illegal drug trade, ang pinatay sa loob ng bilangguan noong Nov. 5, 2016, matapos na boluntaryong sumuko sa pulisya matapos ang babala mula kay dating Presidente Rodrigo Duterte na tatargetin siya kung hindi susuko.
Sa kanyang testimonya, sinabi ni Espinosa na matapos siyang arestuhin sa Abu Dhabi at ibinalik sa Pilipinas, puwersa umano siya ni Dela Rosa na isangkot sina de Lima, Limand at iba pang personalidad sa drug trade.
Bumalik siya sa bansa noong Nov. 17, 2016, at sinalubong nina Dela Rosa at iba pang pulis sa pagdating niya dakong alas-11 ng gabi.
“Sinundo ako ng mga kapulisan dito sa atin, ang sumundo sa akin si General Bato, inakbayan niya ako papunta sa sasakyan,” pahayag ni Espinosa kung saan isinakay siya sa isang puting bulletproof Land Cruiser.
Habang nasa loob ng sasakyan, sinabi nito na inatasan umano siya ni Dela Rosa na aminin ang pagkakasangkot sa droga at isangkot sina De Lima at Lim.
“Sinabihan niya ako na aminin mo na sangkot ka sa kalakaran sa droga dito sa Pilipinas at idawit ko si Peter Lim at si Leila de Lima para madiin na sila,” pahayag ni Espinosa.
Nakulong si De Lima ng pitong taon sa kaso may kaugnayan sa droga subalit napawalang sala.
Iginiit ni Espinosa na binalaan umano siya ni dela Rosa na may masamang mangyayari sa kanya kung hindi siya susunod, tulad ng nangyari sa kanyang ama.
“Kung hindi raw ako sumunod sa plano, pwedeng mangyari sa akin ang nangyari sa ama ko, isa sa mga pamilya ko ang mamatay din,” pahayag nito.
Sinabihan din si Espinosa na isama rin ang actor-politician Richard Gomez sa listahan na sangkot sa illegal drugs, kahit batid niya na walang basehan ang akusasyon.
Ayon kay Kerwin, nagmakaawa pa ang kanyang ama na huwag patayin bago binaril.
“Matagal na po kaming naghihintay ng hustisya. Alam ko po na ang aking ama, saan man siya ngayon, ay naghihintay din ng katarungan. Sana po sa pagpunta ko dito ay makatulong ako na matuldukan ang isyung ito at mapanagot ang mga may sala,” dagdag nito. (Vina de Guzman)
-
PBBM, tinalakay ang pagtaas ng produksyon, pagbaba ng presyo sa agri group
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa agriculture group Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) at tinalakay ang posibilidad na itaas ang produksyon ng local agricultural goods at ibaba ang presyo. Nakipagkita si Pangulong Marcos sa SINAG sa idinaos na pang-apat na Cabinet meeting. “Dapat mag-produce ng mas marami sa local natin […]
-
Jolo town nasa ‘total lockdown’ dahil sa twin blasts – mayor
Iniutos ngayon ng alkalde ng bayan ng Jolo sa lalawigan ng Sulu ang pagsasailalim sa kanilang lugar sa total lockdown. Ang hakbang ni Mayor Kerkhar Tan ay matapos ang magkasunod na madugong pambobomba sa downtown area na ikinamatay ng 13 katao kasama na ang suicide bomber. Liban nito, halos 80 na ang mga […]
-
US, Japan mamumuhunan ng $100B sa Pinas sa susunod na 5-10 taon -Ambassador Romualdez
INAASAHAN na magbubuhos ang Estados Unidos at Japan ng $100 billion na pamumuhunan kabilang na ang enerhiya at semiconductors sa Pilipinas sa susunod na 5 hanggang 10 taon. Ang investment package ay inaasahan na ia-anunsyo sa isasagawang trilateral summit sa pagitan ng Pilipinas, Estados Unidos at Japan sa White House ngayong araw ng […]