Kevin Durant, pumayag na manatili sa Brooklyn Nets matapos kausapin ng management
- Published on August 25, 2022
- by @peoplesbalita
INANUNSIYO ngayon ng management ng Brooklyn Nets na mananatili pa rin sa kanilang team ang NBA superstar na si Kevin Durant.
Ang “pag-move forward” na ng Brooklyn ay matapos na mabigo na makakuha ng deal sa ibang team na pampalit sana sa paglipat kay Durant.
Kung maalala mula pa noong June 30 humihingi na ng trade si Durant, 33.
Naging dahilan ito nang pagbuhos ng mga interesadong teams upang makuha sana ang serbisyo ng dating MVP, tulad na lamang ng Boston Celtics, Miami Heat, Memphis Grizzlies, Philadelphia 76ers at Toronto Raptors.
Gayunman ayon sa statement ng general manager ng Brooklyn Nets na si Sean Marks, iniulat nito na kinausap nila si Durant kasama ang coach na si Steve Nash Joe Tsai at Clara Wu Tsai doon sa Los Angeles para magkapaliwanagan.
Sa ngayon aniya, nakapokus na sila sa basketball at iisa lamang ang layunin at ito ay makuha ang kampeonato.
Ang tinaguriang isa sa “deadliest offensive weapon sa NBA” na si Durant ay merong apat na taong kontrata sa Nets.
Kung maalala ang isa pang NBA star na si Kyrie Irving ay humingi rin ng trade sa Brooklyn pero sa huli ay hindi rin natuloy at mananatili pa rin siya sa team para muling magsama ng puwersa kasama si Durant.
-
Mahigit P565-M halaga ng food packs, inihanda ng DSWD para sa epekto ng Typhoon Mawar
NAGLAAN ang DSWD ng mahigit P565 milyong halaga ng food packs sa mga rehiyonal na tanggapan nito, habang naghahanda ito sa pananalasa ng Bagyong Mawar. Sinabi ng ahensya na nakapaghanda ito ng kabuuang 797,051 family food packs sa mga regional office nito. Bukod dito, mayroong 110,667 family food packs sa disaster […]
-
ANGEL, nagpapasalamat sa mga patuloy na nagdarasal sa kapamilya na nagka-COVID-19
NOONG Linggo, pinost nga ni Angel Locsin na feeling helpless siya dahil sa pagkakaroon ng COVID-19 ng kanyang 94-year-old father. Pero hindi lang ang ama na bulag ni Angel ang na-infect sa nakamamatay na virus. Sa IG stories na dinagsa ng mga dasal ay sinabi ng premyadong aktres na sampu pang […]
-
ALL-NEW “SCREAM” REVEALS POSTERS OF LEGACY CHARACTERS
IT’S time for a killer reunion. Paramount Pictures has just released the individual posters of the legacy characters of the all-new horror thriller Scream, coming to Philippine movie theatres January 2022. Check out below the character one-sheets of Neve Campbell, Courtney Cox and David Arquette. [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/i3sXCxPaRl0] […]