Kiamco sinargo ika-4 na titulo sa Louisiana
- Published on June 12, 2021
- by @peoplesbalita
SINAKOP ng mga Pilipino ang unang tatlong puwesto sa katatapos na 6th Annual Buffalo’s Pro Classic Open 9-Ball Billiard sa Jefferson, Louisiana, USA.
Naghari si Warren Kiamco nang manaig kay Roland Garcia sa all-Pinoy finals upang ibulsa ang $4,500. Kumita si Garcia ng $2,300 habang ang tumerserong si Carlo Biado may $1,200.
Ito na ang pang-apat na kampeonato ngayong taon ni Kiamco makaraang mga pamayagpagan din ang 5th Annual Barry Behrman Memorial Spring Open 9-Ball noong Abril, at mga ginanap nitong Mayo na Diveney Cues Bar Box Classic 10-Ball Division at Racks on the Rocks Classic 9-Ball Mini.
Sa kabuuang kita, may $28,900 na siya US pro circuit para okupahan ang ikaanim na puwesto sa Money Lists.
No. 1 pa rin ang Pinoy na si Dennis Orcollo na mayroong $65,805 buhat sa siyam na tagumpay sa mga torneo. (REC)
-
33 pasaway na mga tsuper huli dahil sa pag labag sa IATF sa Kyusi
HULI ang may 33 mga tsuper ng bus dahil sa pag labag sa Inter Agency Task Force on Emerging Diseases o IATF. Sa isinagawan inspeksyon ang Inter- Agency Council for Traffic (IACT), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa mga Public Utility Bus […]
-
Presidential aspirant Yorme Isko Moreno, suportado ng mga Cebuanos
LIBO-libong supporters ang sumalubong kay Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Cebu sa kanyang pagbisita sa nasabing lalawigan bilang bahagi ng kanyang “listening tour” na nakatutok sa mga pangkaraniwang tao. Hindi magiging ganap ang pagdalaw ng alkalde sa Cebu kung hindi matitikman ang malutong at masarap na Cebu lechon. […]
-
Phaseout ng traditional jeepney extended
BINIGYAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng extension ang validity ng provisional authority o prangkisa ng mga traditional jeepneys habang pinag-iisipan ang mga gagawing pagbabago sa programa ng modernization ng pamahalaan. Dahil dito, ang mga libo-libong traditional jeepneys ay maaari pa rin pumasada sa kanilang ruta. Dapat sana ay wala ng […]