• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

33 pasaway na mga tsuper huli dahil sa pag labag sa IATF sa Kyusi

HULI ang may 33 mga tsuper ng bus dahil sa pag labag sa Inter Agency Task Force on Emerging Diseases o IATF. Sa isinagawan inspeksyon ang Inter- Agency Council for Traffic (IACT), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa mga Public Utility Bus (PUB) na bumibiyahe sa Commonwealth Avenue, Quezon City ay buking nag mga ito.

 

Parte ng isinagawang inspeksyon at pag sita ay ang pagsiguro na ang mga pasahero, driver at konduktor ng bus ay nakasuot ng face mask at face shield.

 

Bukod pa dito ay siniguro din ng mga enforcers na nasusunod ang one-seat apart rule na kalimitan na hindi na sinusunod ng mga jeepney drivers at bus drivers.

 

Ininspeksyon din kung mayroong alcohol o sanitizer na pang disinfect para sa mga pasahero na papasok ng bus kung may gamit itong thermal scanner.

 

Ilan sa mga kadalasang violations ay hindi tamang pagsuot ng face shield o face mask, hindi nakasuot ng tamang uniporme ang driver, at kulang sa alcohol o disinfectant. Nanawagan nman ang pamahalaan na sumunod sa mga ito dahil para narin sa kaligtasan nila ang ginagawang alituntunin upang maiwasan ang pag kalat ng COVID19. (Ronaldo Quinio)

Other News
  • Administrasyon ni PBBM, humirit ng P31-B calamity fund para sa susunod na taon

    HUMIRIT ang administrasyong Marcos sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng  P31 billion calamity fund para sa taong 2024.     Nais kasi ng gobyerno na mas maraming pondo ang maipamahagi sa panahon ng kalamidad.     Kilala rin bilang  National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF), ang panukalang  calamity fund ay mas mataas ng […]

  • 1 sugatan, 20 tahanan sa sunog

    SUGATAN ang isang lalaki matapos na mabagsakan ng kawad ng kuryente habang nadamay ang may 20 bahay ang nadamay sa naganap ma sunog sa isang residential house, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.   Isinugod sa pagamutan ang biktima nakilalang si Michael Floranza, 37, na nagkaroon ng sugat sa kaliwang paa matapos umanong mabagsakan ng […]

  • Must Watch: ‘REBOUND’, A Heart Warmingly Inspirational Movie

    Must Watch: ‘REBOUND’, A Heart Warmingly Inspirational Movie THE latest South Korean sports-drama movie, 𝗥𝗘𝗕𝗢𝗨𝗡𝗗 is based on the true story of basketball coach Kang Yang Hyeon and the Busan Jungang High School’s 2012 run to the national championships final in spite of having only six active players and no backup on its team.   […]