• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kiefer nag-sorry sa NLEX, PBA

Masaya si NLEX Road Warriors ace Kiefer Ra­vena na mabibigyan ito ng tsansang makapaglaro sa Japan B.League kasama ang Shiga Lakestars.

 

 

Subalit bago tumulak sa Japan, humingi ng tawad si Ravena sa pamunuan ng NLEX at ng liga sa a­ber­yang naidulot ng biglaang announcement ng pagla­laro nito sa Shiga.

 

 

“I apologize for any hurt feelings and stress this has caused the PBA and to my team, the NLEX Road Warriors,” ani Ravena.

 

 

Partikular na tinukoy ni Ravena ang PBA Board of Governors at si  PBA commissioner Willie Marcial na nabigla rin sa anunsiyo ng Shiga noong Mayo.

 

 

“I specifically want to apologize to the PBA Board of Governors and Commissioner Willie Marcial who I know are doing their best to lead the PBA and mee­ting the changes and challenges brought about by the pandemic,” ani Ravena.

 

 

Humingi rin ng paumanhin ang dating Ateneo Blue Eagles standout sa mga fans na nakaabang sa bawat kaganapan sa kanyang Japan stint.

 

 

“Most especially I want to apologize to the PBA fans for the controversy and the distraction. It was not my intention,” dagdag ni Ravena.

 

 

Gayunpaman, malaki ang pasasalamat nito sa NLEX at PBA dahil napayagan na itong makapaglaro sa international league na isa sa kanyang pangarap noon pa man.

 

 

Wala pang petsa kung kailan magtutungo si Ra­vena sa Japan para simulan ang training camp nito kasama ang Lakestars.

 

 

Makakaharap ng Shiga sa opening day ng Japan B.League ang San-En NeoPhoenix na koponan ng kanyang nakababatang kapatid na si Thirdy Ra­vena.

Other News
  • Ads August 25, 2023

  • Meralco may 5 malaking pambabakod kay Fajardo

    INAASAHAN na ng marami na mabibigyan  ng contract extension si Raymon ‘Jammer’ Jamito sa Meralco dahil sa impresibong pinakita sa 45th Philippine Basketball Association 2020 Philippine Cup bubble sa Angeles City.   Namemeligro naman si Siverino ‘Nonoy’ Baclao Jr. dahil hindi nakapaglaro sa Pampanga bubble na naipit sa pag-lineup sa kanya noong isang taon at […]

  • PDP-Laban Cusi Wing, tuluyan nang nilaglag si Pacquiao para makasama sa senatorial slate na sasabak sa Eleksyon 2022

    TULUYAN nang nilaglag ng PDP-Laban wing sa pamumuno ni Energy Secretary Alfonso Cusi si Sen. Manny Pacquiao para maikunsidera ito sa Senate slate para sa 2022 elections.    Nauna nang sinabi ng Cusi group na inalok nila si Pacquiao na makasama sa kanilang Senate slate matapos na mapatalsik ito bilang party president at sumunod naman […]