Kiefer pinagmulta, sinuspinde sa B.League
- Published on March 25, 2022
- by @peoplesbalita
PINARUSAHAN si Shiga Lakestars guard Kiefer Ravena ng pamunuan ng Japan B.League matapos ang ilang beses na unsportsmanlike fouls sa huling laro ng kanilang tropa sa liga.
Pinatawan ang Pinoy cager ng multa at suspensiyon dahil sa dalawang unsportsmanlike fouls na nagawa nito sa laro ng Shiga kontra sa Kyoto noong Linggo kung saan natalo ang kanilang tropa sa iskor na 57-79.
Unang tinawagan ng unsportsmanlike foul ang dating Ateneo de Manila University standout sa first quarter may 4:51 minuto pang nalalabi sa naturang yugto.
Muling nabigyan ng unsportsmanlike foul si Ravena sa fourth quarter kung saan may 4:55 pang natitira sa oras dahilan para mapatalsik ito sa laro.
Kaya naman binigyan si Ravena ng isang larong suspensiyon kung saan hindi ito masisilayan sa Shiga kontra sa Osaka.
Pinagmulta rin si Ravena ng ¥50,000 o katumbas ng halos P25,000.
Isa si Ravena sa inaasahan ng Lakestars matapos magtala ng averages na 12.8 points, 5.9 assists at 2.1 rebounds kada laro kaya’t malaking kawalan ito sa tropa.
Nais pa naman ng Shiga na mapaganda ang kanilang 10-27 rekord sa liga para mapaangat ang kanilang kasalukuyang ika-10 puwesto sa standings.
Inaasahang babawi si Ravena sa oras na makabalik ito sa paglalaro.
-
Biktima ng mail order bride, nasabat sa MCIA/NAIA
NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babae na biktima ng pekeng marriage scheme na biyaheng China ang nasabat sa Mactan International Airport (MCIA) . Kinilala ang biktima na isang 23-anyos na babae na hindi pinangalanan alinsunod sa anti-trafficking laws. Ang babae na nagsabing pupunta siya ng China upang umano’y bisitahin ang kanyang asawa […]
-
Isailalim na ang buong bansa sa MGCQ mula Marso 1
IPINANUKALA ng National Economic Development Authority (NEDA) kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isailalim sa Modified General Community Quarantine ang buong bansa simula Marso 1. Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay inirekomenda rin ni Acting NEDA Director General Karl Chua sa Chief Executive na palawigin na ang public transportation kung saan […]
-
Ex-Top 3 cop ng PNP na si PLTGEN Santos Jr. na dawit umano sa 990KG drug haul, iginiit na inosente siya sa naturang mga alegasyon
IGINIIT ni dating PNP Deputy Chief for Operation na si PLGEN Benjamin Santos Jr. na siya ay inosente at walang kinalaman sa mga alegasyong ibinabato laban sa kaniya na may kaugnayan sa ilegal na droga. Ito ay matapos na makaladkad ang kaniyang pangalan sa kaso ng 990 kilo ng shabu na nasabat mula […]