• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KIM at JERALD, manggugulat sa kakaiba at daring roles sa bagong pelikula; hataw pa rin kahit nasa gitna ng pandemya

KAHIT may pandemya, hindi talaga mapipigilan ang paghataw ng #KimJe, dahil ang real-life couple na si Kim Molina at Jerald Napoles ay muling magtatambal sa kanilang pangalawang pelikula ngayong taon, ang Ikaw At Ako At Ang Ending na hatid ng Viva Films.

 

 

Mula sa kanilang unang successful na team up sa pelikulang Ang Babaeng Walang Pakiramdam na ‘di pa natitinag sa Top 10 movies ng Vivamax, ngayon naman ay naka-trabaho nila ang romantic movie hit maker na si Direk Irene Emma Villamor.

 

 

Ilan sa mga di malilimutang pelikula ni Direk Irene ay ang “Camp Sawi”, “Meet Me in St. Gallen”, “Sid & Aya: Not a Love Story”, “Ulan”, at “On Vodka, Beers, and Regrets”. At siguradong madadagdag ang Ikaw At Ako At Ang Ending sa mahabang listahan ng mga hit movies ni Direk Irene.

 

 

Iikot ang pelikula sa dalawang estranghero na pinagtagpo sa hindi inaasahang oras kung saan kapwa sinusubukang takasan ang kanilang mga miserableng reyalidad.

 

 

Nag-premiere sa YouTube ang teaser trailer ng pelikula noong July 11, at siksik ito ng takbuhan, car chasing at maiinit na love scenes ni Kim at Jerald, at mukhang puno ng suspense at aksyon ang pelikula.

 

 

Ngunit dahil ito ay pelikulang gawa ni Direk Irene, siguradong marami pang sorpresa ang mapapanood sa pelikula.

 

 

Siguradong marami rin ang masosorpresa sa kakaiba at mas daring na Kim at Jerald na mapapanood sa pelikulang ito, dahil ibang klase ng pag-arte ang kanilang ipapakita bukod sa kanilang pagpapatawa, kung saan mas kilala sila.

 

 

Kaya naman ipakita ang inyong suporta sa #KimJe at panoorin ang  Ikaw At Ako At Ang Ending sa August 13, streaming globally sa ktx.ph, iWant TFC, TFC IPTV at sa VIVAMAX.

 

 

Ngayon, mas pinadami na ang paraan para mag-subscribe sa VIVAMAX! Mag-subscribe gamit ang VIVAMAX app via Google Play Store at App Store. Unli-watch na sa halagang P29 para sa tatlong araw, P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit.    Pwede kang magbayad gamit ang GCash, Globe, Smart, Visa/Mastercard, PayMaya o PayPal account na naka-link sa iyong Google or Apple account. Maaari ding mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad sa EC Pay outlets: 7 Eleven at All Day o via PayMongo, GrabPay at GCash o via PayMaya.

 

 

Para makapagbayad mula sa E-commerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, GCash, ComWorks Clickstore, Paymaya o Globe One.  Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, ComWorks, at Load Central partner outlets: Cebuana Lhuillier at Palawan Express.

 

 

Pwede ring tumawag sa inyong Cable Operators para mag-subscribe: Sky Cable, Cable Link, KCAT Fiber, Air Cable, Aklan Cable Television Co., Inc. Cebu Cable HD, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect, Z-energy Cable TV Network Inc.

 

 

Available din ang Vivamax sa Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month.  Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan.  Vivamax, atin ‘to!

 

 

Mas affordable, mas madami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa ating Pambansang Streaming App, VIVAMAX!

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads May 8, 2024

  • MARIAN, nagpakita ng pagsuporta kay KISSES na palaban sa ‘Miss Universe Philippines’

    NAGPAKITA ng pagsuporta si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes sa co-artist sa Triple A (All Access to Artists) management na si Kisses Delavin.     Isa nga si Kisses na panlaban ng Masbate sa nakapasok sa Top 100 candidates ng Miss Universe Philippines 2021 na magti-trim sa 75 at malaki ang tulong ng online fans […]

  • Karagdagang P1.4B, kakailanganin para maipagpatuloy ang libreng sakay hanggang sa Disyembre – DOTr

    NASA karagdagang P1.4 billion na pondo ang kakailanganin ng Department of Transportation (DOTr) para maipagpatuloy ang libreng sakay para sa mga mananakay hanggang sa katapusan ng buwan ng Disyembre.     Paliwanag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang libreng sakay sa EDSA Carousel ay mayroon lamang fixed budget at kailangan ng kagawaran na makipag-coordinate […]