Kaso ng COVID-19 sa bansa, 49 na
- Published on March 12, 2020
- by @peoplesbalita
NADAGDAGAN pa ng 16 kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung saan 49 na ang kabuuang kaso sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH) as of March11.
Sa ngayon, agad na ikinakasa ng otoridad ang contact tracing sa mga nakasalumuha ng mga kumpirmadong kaso ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire sa press briefing.
Ayon kay Vergeire, stable na ang 8 sa 49 na kaso, na kinabibilangan ng 2 repatriates mula sa Diamond Princess cruise ship na tinamaan ng COVID-19.
Inanunsyo niya rin na pinauwi na ang 442 sa 445 na repatirates mula sa Diamond Princess cruise ship matapos ang 14-day quarantine.
Ayon kay Vergeire kasalukuyang ‘intubated’ si patient 29 dahil sa umanoy cardiovascular at endocrine problems nito.
Napag-alaman na na-expose umano siya sa Patient 9, isang 86-anyos na lalaking Amerikano na nakatira sa Marikina City.
Sa ngayon ay mayroon pang posibleng 31 COVID-19 cases na pending pa ang kumpirmasyon, at umakyat rin sa 68 katao ang persons under investigation na naka-confine sa iba’t ibang hospital sa bansa. (Daris Jose)