KIM, inamin na mas kinatukan na ‘di nabigyan ng franchise ang ABS-CBN kesa sa multo
- Published on December 16, 2021
- by @peoplesbalita
MULA sa pagba-viral at nag-trending.
Naging kanta, serye at ngayon ay pelikula na ang post ni Kim Chiu dati na “Bawal Lumabas.”
At obvious naman na inspired sa Bawal Lumabas ang isa sa mga MMFF entries na Huwag Kang Lalabas ng Obra Cinema.
Horror trilogy film na bida si Kim sa “Hotel” at sabi nga ng producer na si Joy Sison, ginawa lang daw nilang Huwag Kang Lalabas ang ‘Bawal Lumabas’ sa title.
Mula sa bashing at halos ikasuko ni Kim ang mga pamba-bash daw sa kanya last year, ngayon, nagpapasalamat na lang ito kung paano tinangkilik ng industriya ang simpleng post niya lang nga naman.
Sa isang banda, dahil aminadong matatakutin siya at sa pagtili at ingay pa lang daw niya, hindi na makakalapit sa kanya ang multo.
Pero ang hindi raw talaga mabigyan na ng franchise ang kanyang network, ang ABS-CBN ang isa sa inamin niyang kinatatakutan niya rin.
“Oo naman po, sino ba ang hindi takot? Parang showbiz industry, malaking bagay po talaga ‘yung ABS-CBN. Ang daming nabibigyan ng work, ang daming nabibigyan ng opportunity, mga dreams na nagiging totoo.
“Not just as an artista but the people behind the camera so, isa siyang malaking pangarap na nawala— well, nandiyan pa rin naman. Pero siyempre, iba siya kapag may prangkisa.”
Sa kabila nito, hindi naman daw naisip ni Kim na lumipat ng network. Natatawa nga ito na, “pagkatapos kong makipaglaban? Ha ha ha!”
***
TATLONG taon na ang loveteam na RitKen nina Rita Daniela at Ken Chan at dahil parehong mahusay na mga Kapuso actor at actress, in fairness to them, napu-pull-off nilang dalawa ang kahit anong characters na ibigay sa kanila ng network.
At minsan pa nga ay napatunayan nila sa kanilang movie na Huling Araw sa Tag-Ulan na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2021.
Kakaiba ang ginawa nila rito dahil love scene kung love scene talaga. Mga eksenang hindi nila nagagawa naman sa mga serye nila. At pag-amin ni Rita, matagal na raw nila itong gustong gawin, huh!
Katwiran niya, “Eh kasi, ako naman, hindi naman magiging Rita ang pangalan ko kung hindi ako palaban. Simula nang ma-partner ako kay Ken, siyempre sa ‘My Special Tatay’, sabi ko talaga, kung hindi siya Boyet, guwapo ng taong ito.
“Kailangang maka-kissing scene ko siya na hindi Boyet at ‘yung ganyan. Eh kaso, TV, pa-sweet. Kaya no’ng dumating ang ‘Dalawang Ikaw,’ sabi ko, chance ko na ‘to!”
Pero nauna raw nilang nai-shoot ang movie kaya nang gawin nila ang Dalawang Ikaw, sey ni Rita, give na give na siya sa mga love scene nila ni Ken.
Pero hirit ni Rita, “Para sa akin ‘yun ha! Hindi ko alam kay Ken Chan kung inaasam-asam din niya! Hahaha!”
Sa isang banda, umani ng papuri sina Rita at Ken dahil sa ipinakita nga nilang performance sa movie. Ang daming naka-appreciate kung paano nila nagawang patawanin at paiyakin ang mga nanood ng press preview.
Marami na nga ang nagsasabi na may chance na manalo ng Best Actress award si Rita sa MMFF 2021, pero sey niya, ayaw raw niyang mag-expect at baka masaktan lang siya.
Bonus na raw para sa kanila na nakasama pa ito sa MMFF at nagustuhan ng mga tao.
(ROSE GARCIA)
-
Ads July 31, 2024
-
Direk JOEL, inaming nag-Vivamax dahil kailangan ng pera
BAGONG Vivamax project ng mahusay na direktor na si Joel Lamangan ang ‘Sisid Marino’. Mga artista sa movie sina Julia Victoria, Ataska, Jhon Mark Marcia, Cariz Manzano at Yda Manzano. Isa sa natanong kay Joel ay kung ano ang kaibahan na gumawa ng pelikula noong dekada otsenta-nubenta […]
-
Bumaba ang dami ng sasakyan sa Skyway 3 matapos simulan ang toll fee collection
Ang mga motoristang dumadaan sa Skyway 3 ay bumaba ang bilang matapos simulan ang pangongolekta ng toll fee noong nakaraang Lunes. “The number of motorists that passed through the elevated tollway reached a little over 60,000 on Monday, down from the average of 100,000 motorists during seven months of toll-free use,” wika ni […]