Susunod na Chief PNP kapalit ni Gen Archie Gamboa, iaanunsiyo isang linggo bago ang pagreretiro nito
- Published on August 17, 2020
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG i-anunsyo ng Malakanyang isang linggo bago ang araw ng pagreretiro ni PNP Chief Director General Archie Gamboa kung sino ang susunod na kapalit nito.
Si Gamboa ay nakatakdang magretiro sa Setyembre 2 kasunod ng pagsapit ng ika- 56 na taong kaarawan nito na siyang retirement age sa mga nasa police at military service.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, hindi na gayung katagal na panahon ang hihintayin para kanilang ianunsiyo ang papalit kay Gamboa sa Pambansang Pulisya.
“Ia-announce ko na lang po siguro kung sino ang magiging next PNP Chief. Hindi naman po inaantay iyong birthday ng retiring PNP Chief bago mag-anunsiyo ng kapalit. Mayroon po iyan mga one-week interval, so malapit na po nating i-announce iyan,” aniya pa rin.
Si Gamboa ay produkto ng PMA Class 1986 at naging ika- 21 hepe ng National Police.
Enero ng taong ito nang isinapubliko ni Pangulong Duterte na kanyang itinatalaga si Gamboa bilang Chief PNP matapos na magsilbing Officer in Charge ng tatlong buwan.(Daris Jose)
-
NBA legend Bill Russell pumanaw na, 88
PUMANAW na si NBA Legend Bill Russell sa edad na 88-anyos. Kinumpirma ito ng kanyang kampo, subalit hindi na binanggit pa ang sanhi ng kaniyang pagpanaw. Isang kilalang basketbolista si Russel mula pa noong ito ay nasa high school pa. Nagwagi ito ng dalawang state championsip sa high school, […]
-
IATF maghihigpit sa PBA
Maghihigpit ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagpapatupad ng health protocols sa pagbabalik-aksyon ng PBA Season 46 Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga. Sa patakaran ng IATF at Department of Health, sa oras na umabot sa anim na teams ang nagkaroon ng positibo or kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19), agad na ipatitigil ang […]
-
Lingguhang positivity rate sa National Capital Region patuloy sa pagtaas
PATULOY umano sa pagtaas ang bilang ng bagong Covid-19 cases sa Metro Manila ito ay makaraang iulat ng Department of Health ang umaabot sa 1,600 na bagong infections nitong nakalipas na araw na mas mataas noong kasagsagan ng peak noong August 7. Tinukoy pa ng independent OCTA Research Group sa kanilang latest […]