KIM, pwede na talagang pumalit sa puwesto ni KRIS
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
“IBA ‘to, nakakatakot ‘to! Sure na, kahit ako nagda-dubbing kami ni direk, ‘sabi ko, direk, sakit na ng heart ko, labas muna tayo!,” pasabog na rebelasyon ni Kim Chui sa ginanap na virtual mediacon ng pelikulang U-Turn na idinirek ni Der- rick Cabrido kumpara sa Ghost Bride at The Healing.
“Parang ako, hindi ko kayang panoorin, matatakutin kasi ako, so iba ‘yung dating nitong pelikula, iba.
“If napanood mo ‘yung past movies ko, ito na ‘yun, sagad na ‘to. Ito na ‘yung rurok (kakatakutan) hindi ko alam kung may aangat pa ‘to,” kuwento ni Kim.
Reporter sa online ang karakter ni Kim sa U-Turn bilang si Donna na para sumikat siya ay may ginawa siyang bagay na sa bandang huli ay apektado ang pamilya at personal niyang buhay.
Realidad ang kuwento ng pelikula, “totoo ‘to (kuwento) kasi ‘yung iba, tradisyon kasi ‘yun like The Healing parang manggagamot hindi naman natin normal na nakikita ang mga manggagamot sa road (daan) lalo na sa siyudad, unless pumunta ka ng probinsya.
“Yung Ghost Bride, hindi mo rin mami-meet ang ghost bride kung wala kang kakilala.
“Unlike itong U-Turn, lagi nating ginagawa like sa work, lagi tayong gumagawa ng mga headline para sumikat tayo. Some journalist or nagra-write up ang headline nila ay (pasabog) siyempre kailangan para basahin. So lagi tayong nakaka-encounter ng may iba fake news, may iba may dagdag news.
Nakuwento ni Kim na ang The Healing at Ghost Bride ay hindi niya nakikita o katabi ang mga multo dahil kaharap niya camera kapag umaarte siya. Hiwalay na kuha raw ang mga iyon.
“Itong U-Turn, sobrang nakakatakot kasi ngayon lang ako gumawa na kaharap ko mismo ang multo, ganito kalapit kaya nakakatakot talaga,” kuwento ng aktres.
Tinawag na Millennial Horror Queen si Kim, “Ate Kris (Aquino) will always be the horror queen, siyempre siya talaga ang nag-iisa at walang makakagalaw no’n. Meron lang kong millennial nadagdag na word.
“So, sa ibang barangay ako. Ibang distrito po ako. Pero lahat ‘yun ‘queen’ pero mas malayo na ‘yung siyudad niya sa siyudad ko.”
Anyway, mapapanood na ang U-Turn na mula sa Star Cinema at line produce ng Clever Minds Inc sa Oktubre 30 live streaming via KTX.ph, iWant TFC app at website or pay-per-view via Cignal and Sky Cable sa halatang Php150.00.
Bukod kina Kim at Tony Labrusca ay kasama rin si JM De Guzman, Miel Espinosa, Jojit Lorenzo, Alex Medina, Jerry O’hara, Simon Ibarra, Mercedes Cabral, Almira Muhlach, Sky Quizon, Via Antonio, Martin del Rosario, Cris Villonco at Cris Villanueva. (Reggee Bonoan)
-
MVP susuporta sa FIVB World Championship
BUHOS ang suporta ni sports patron Manny V. Pangilinan (MVP) upang maging matagumpay ang pagdaraos ng prestihiyosong FIVB Volleyball Men World Championship sa Setyembre 12 hanggang 28 sa susunod na taon. Inihayag ni Pangilinan ang buong suporta nito sa isang meeting na ginanap sa PLDT office sa Makati City kasama […]
-
Dumating na ang hinihintay na ‘perfect time’: YNNA, engaged na rin sa non-showbiz boyfriend na si BULLY
ENGAGED na rin si Ynna Asistio sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Bully Carbonell. Sa kanyang Instagram, pinost ni Ynna ang photo nila ni Bully at suot na niya ang kanyang engagement ring. “Ilang taon ako [nagbenta] ng engagement ring and wedding ring. Lagi ko tinatanong sa sarili ko, ‘kailan kaya […]
-
GILAS Pilipinas, handang sumabak sa PBA
Malugod na tinanggap ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang alok ng PBA na payagang makapaglaro ang Gilas Pilipinas. Sinabi ni SBP President Al Panlilio na mula pa noon ay mahigpit na ang partnership ng GILAS at PBA. Isa rin aniyang pagkakataon ito para makapa-ensayo na ang national team. […]