• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kimi, David lupet sa National Juniors Tennis Championships

SWAK uli si Kimi Brodeth ng Ormoc City sa isa pang ‘twinkill’ samantalang saltong na pantayan ng batang si David Sepulveda ang una, pero nanalo at sumegunda sa wakas nitong weekend ng PPS-PEPP Baybay City National Juniors Tennis Championships sa Baybay courts sa Leyte.

 

 

Kumopo ng dalawang korona rin sa balwarte sa nagdaang linggo lang, diniin ni Brodeth ang pananalasa sa girls’ 16- at 18-and-under, pinahandusay si Kate Imalay ng Danao, Cebu, 6-1, 6-1, saka tinabunan ang kapwa Ormocanon na si Mia Gemida, 6-3, 6-0, ayon sa pagkakasunod, sa isa pang pagdoble sa Group 2 tournament na matagal nang naghahanap ng mga talento tenista sa bansa.

 

 

Pinadapa ni Sepulveda si Urcisino Villa ng Sogod, Leyte, 7-5, 6-2 sa boys’ 12-U finals, pero nabitin ang rising Pardo, Cebu City star sa 14-U play, bumalentuang kay Kenzo Brodeth sa pareong iskor.

 

 

Pero ang 1-2 natapos niya ang nagpassosyo sa kanya sa Mst Valuable Player kay Kimi sa event nakaloob  ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro, at nagsilbing panimula sa Pintaflores Festival Juniors Championships sa San Carlos, Negros Occidental simula ngayong Huwebes, Oktubre 27.

 

 

Nagsipanalo rin sa week-long event na hatid ng Dunlop at mga sionuportahan ng ProtekTODO, PalawanPay,  Unified Tennis Philippines at UTR (Universal Tennis Rating), sina Imalay, Ma. Caroliean Fiel, John David Velez at Gerald Gemida . (REC)

Other News
  • Guy Ritchie’s Next Movie With Henry Cavill and Jake Gyllenhaal Officially Has a Release Date

    AT the Lionsgate panel at CinemaCon, we finally learned when director Guy Ritchie’s next feature will hit the big screen. Announced last year out of Cannes, the then-untitled In the Grey was announced as the action comedy veteran’s next big project with a handful of regular collaborators reuniting with him for the occasion, including The […]

  • Mga batang kasali sa face-to-face classes hindi mandatory na bakunado

    HINDI kasama sa requirement ng mga batang sasali sa face- to -face classes ang magpabakuna laban sa Covid -19.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, mataas kasi ang resistance level sa mga bata para magpabakuna.     Nasa mga magulang na ang pagpapasya kung pababakunahan […]

  • Ads October 1, 2024