• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga batang kasali sa face-to-face classes hindi mandatory na bakunado

HINDI kasama sa requirement ng mga batang sasali sa face- to -face classes ang magpabakuna laban sa Covid -19.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, mataas kasi ang resistance level sa mga bata para magpabakuna.

 

 

Nasa mga magulang na ang pagpapasya kung pababakunahan ang bata o hindi.

 

 

Ani Briones, para sa mga guro, mandatory o obligado ang mga ito lalo na ang mga kasali sa face-to-face classes na dapat ay  may bakuna.

 

 

Sinabi ng Kalihim na ng mga guro na hindi pa bakunado  ay kailangang magsumite ng kanilang reports sa eskwelahan, dapat na magpakita muna ng negative resulta ng rt pcr test bago payagang makapasok sa school premises.

 

 

Samantala, patuloy na hinihikayat ni Briones ang mga magulang ng mga bata na pabakunahan na ang kanilang mga anak bilang proteksyon na rin lalo na at nagsisimula na aniya ang face-to-face classes sa maraming eskwelahan sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • PBA season 46 opening sa Abril 18 na!

    Iniatras ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagbubukas ng Season 46 sa Abril 18 sa bagong venue sa Ynares Center sa Antipolo City.     Ito ay matapos lumobo ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa na pumapalo na sa 5,000 kada araw.     Plano sana ng PBA management na […]

  • Parks, Jr., Pogoy ginaya sina Paras, Magsanoc

    SI Roger Ray (RR) Pogoy ang nagpasabog sa unang laro ng Talk ‘N Text sa 45 th Philippine Basketball Association o PBA Philippine Cup 2020 eliminations reopening nitong Linggo sa Clark Freeport and Special Economic Zone bubble sa Angeles City, nang kumontak ng career-high 45 points patungo sa 100-95 pagpanis ng Tropang Giga sa Alaska […]

  • PNP naglatag na ng security measures vs magtatangkang manabotahe sa araw ng eleksyon

    NAGLATAG na ng security measures ang Philippine National Police (PNP) laban sa anumang pagtatangkang pananabotahe sa darating na halalan sa Mayo 9.     Sa isang statement tiniyak ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na hindi magtatagumpay ang anumang masamang plano sa mismong araw ng eleksyon dahil nagsasagawa na aniya sila ng contingency measures upang […]