• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinabog ang tatlong kalaban sa korona: PRECIOUS PAULA NICOLE, first winner ng ‘Drag Race Philippines’

SI Precious Paula Nicole na taga-Daet, Camarines Norte ang kinoronahan bilang season one winner ng Drag Race Philippines!

 

 

Kinabog ni Precious ang tatlo niyang kalaban sa korona na sina Marina Summers, Eva LeQueen at Xilhouete. Being season one winner, napanalunan ni Precious ang premyong 1 million pesos at one year supply ng makeup brand ni Patrick Starr na ONE/SIZE.

 

 

Si Marina Summers of Nueva Vizcaya ang huling nakatapat ni Precious sa final lip sync at nag-perform sila sa awiting “Sirena” ni Ebe Dancel.

 

 

Dahil sa mga ginawang pasabog ni Precious sa final lip sync, siya ang hinirang na winner.

 

 

“Life is precious and so are we. Let’s continue to inspire and let’s continue to love. I am Precious Paula Nicole, your Drag Race Superstar,” sey ni Precious nang koronahan siya ng host na si Paolo Ballesteros a.k.a. Mawma Pao.

 

 

Bago ang Lip Sync For The Crown challenge, nagpakita ng kanilang final looks sa runway ang Top 4 na sina Precious Paula Nicole, Eve Le Queen, Xilhouette, and Marina Summers, Una ay ang Bongga Camp Day at sumunod ang Indigenous Extravaganza.

 

 

Impressive ang naging track record ni Precious sa naturang contest. Napanalunan niya ang Ru Badge sa pag-impersonate niya kay Regine Velasquez sa “Rusical” challenge.

 

 

Nag-top din siya sa apat pang challenges: Sagalamazon Ball, Pageant Improv, Makeover, and Music Video. Nagwagi rin siya sa Ru-lection mini challenge. At never siyang nalagay sa bottom two para mag-lipsync.

 

 

Labing-dalawang drag queens ang nagsabong sa iba’t ibang challenges sa 10-episode reality-competition show. Ang iba pang queens na sumali ay sina Prince, Corazon, Gigi Era, Turing, Lady Morgana, Viñas DeLuxe, Brigiding, at Minty Fresh.

 

 

Ginawad kay Lady Morgana of Davao City ang first Miss Congeniality award ng Drag Race Philippines.

 

 

Mga umupong hurado ay sina KaladKaren, Jiggly Caliente, Jon Santos, Rajo Laurel, BJ Pascual, Pops Fernandez, Pokwang, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Nadine Lustre, Patrick Starr at Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

 

 

All episodes of Drag Race Philippines and its Untucked segment are available on WOW Presents Plus, HBO GO, and Discovery Plus.

 

 

***

 

 

MARAMI ang nagulat sa transformation ng dating Kapuso child actor na si Miggy Jimenez.

 

 

Sumabak na rin kasi ito sa mga maseselang eksena sa Vivamax movie na Two And One.

 

 

Sa naturang erotic drama, nakipaghalikan si Miggy, hindi lang sa isa kundi dalawang lalake. Nagkaroon din sya ng threesome sex sa movie na tiyak ikagugulat ng mga nakatrabaho noon ng aktor sa mga nagawa niyang teleserye sa GMA.

 

 

Kasama noon si Miggy sa kiddie infortainment program na Tropang Pochi noong 2009. Mga nakasabay niya sa show sina Bianca Umali, Ella Cruz, Lianne Valentin, Miggs Cuaderno, at Julian Trono.

 

 

Nakabilang din si Miggy sa mga teleserye na Genesis, Once Upon A Kiss, Second Chances, Beautiful Strangers, Princess In The Palace at Suntok Sa Buwan.  Nakasama rin si Miggy sa BL (Boys Love) series na Gameboys noong 2020 at unang pagsabak niya sa sexy na eksena ay sa Kitty K7.

 

 

Nahirapan raw i-explain ni Miggy sa kanyang mommy at girlfriend tungkol sa mga sexy na eksena niya sa kapwa lalake sa Two And One.

 

 

“Feeling ko it boils down to a good time to communicate, to sit down and talk things through. Kasi, hindi lang naman din ‘yung sarili ko ‘yung kino-consider ko which is siyempre, everyone around you, my mom, isa ‘yun sa mga walk through na kailangan ko ring suriin.

 

 

“For someone, na kailangan mo din sila i-enlighten. Na kailangan mo i-explain talaga, but pumupunta pa rin din doon ‘yung suporta. ‘Yung suporta pa rin na kailangan mo na to keep you going, kasi feeling ko, pag nasa isang relationship ka tapos wala ‘yung support, I feel like na hindi siya okay, na hindi ka namo-motivate na gawin ‘yun kasi parang hindi natutuwa ‘yung other half mo,” sey ni Miggy.

 

 

Dumating naman daw ang mommy niya screening ng Two And One para suportahan siya. Pero nagpaalam daw ito sa kalagitnaan ng pelikula. Naintindihan naman daw ni Miggy na hindi pa masyadong ready ito na mapanood siya sa gano’ng klaseng pelikula.

 

 

Sey ni Miggy: “I’m happy na she went like earlier, pero sabi niya po sa akin noong nagkita po kami na, ‘Okay lang ba na umalis ako in the middle of your film.’ Kasi she wasn’t really ready. And I understand. I do understand, but I can feel the support and how proud she is, but again, I have to respect her. And when she’s ready to watch it, I’ll watch it with her.”

 

 

***

 

 

PUMANAW na ang award-winning TV and theater actress na si Angela Lansbury sa edad na 96.

 

 

Nakilala ng sa buong mundo ang British-born actress dahil sa pagganap niya as Jessica Fletcher sa American crime series na Murder, She Wrote na umere mula 1984 to 1996.

 

 

Tumagal ng 70 years ang career ni Lansbury at nanalo siya ng anim na Golden Globes, limang Tony Awards at isang honorary lifetime Oscar.

 

 

Lumabas siya sa higit na 60 films, kabilang dito ang Gaslight, National Velvet, The Long, Hot Summer, Blue Hawaii, The Manchurian Candidate, Death on the Nile, Bedknobs and Broomsticks, Mary Poppins Returns, The Grinch, Nanny McPhee at naging boses siya ni Mrs. Potts sa Disney’s Beauty and the Beast.

 

 

On Broadway, pinuri ang performances siya sa Sweeney Todd: The Demon Barber of Fleet Street, Gypsy, A Little Night Music, Mame, The King and I, Blithe Spirit and The Best Man.

 

 

Pinanganak sa London si Lansbury on October 16, 1925. Nag-migrate sila to the US noong 1940 para matakasan ang giyera sa Europe. Sa edad na 17 ay kinontrata siya ng MGM Studios for seven years.

 

 

Ginawad kay Lansbury ang titulong “Dame” ni Queen Elizabeth II noong 2014.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • MAG-INGAT sa PAGBILI/PAGSALO sa mga SASAKYAN – mga SINDIKATO TALAMAK na NANGBIBIKTIMA ng mga BUYERS

    ISA  sa mga lumapit sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) para magpatulong ay may kakaibang karanasan sa pagbili ng sasakyan.     Naghangad na bumili ang biktima ng sasakyan at sa isang sikat na on-line market siya tumingin.  Nang may nakursunadahan ay nakipagkita siya sa seller.  Isang Montero na halos Isang Milyon piso […]

  • Pangakong pagsakay sa Jetski papuntang West Philippine Sea, pure campaign joke-PDu30

    “It was a pure campaign joke.”   Ito ang inamin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa kanyang sinabi noong 2016 ukol sa pagsakay niya sa jetski para pumunta ng West Philippine Sea at sabihin sa mga Tsinoy na pag-aari ito ng Pilipinas.   Patuloy kasing inuungkat ng kanyang mga kritiko ang naging pahayag nito […]

  • OIL SPILL, PINAGHAHANDAAN NA NG PCG

    PINAGHAHANDAAN na ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa contingency measures matapos makakita ang Coast Guard Sub-Station Tubbataha ng oil sheen malapit sa baybayin kung saan lumubog ang  dive yacht noong Linggo ng umaga, Abril 30.     Sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na patuloy ang monitoring sa sitwasyon sa lugar kung […]