Kinabog sina Mikael, Glaiza, Ruru, Kokoy, Lexi at Buboy: ANGEL, first-ever Ultimate Runner ng ‘Running Man PH’
- Published on December 21, 2022
- by @peoplesbalita
GMA Network’s top-rating and biggest reality game show of the year, ang “Running Man Philippines,” officially bids goodbye to season one with its first-ever Ultimate Runner, Angel Guardian.
Congratulations, Angel! Siya ang nanguna sa seven contestants, sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales at Buboy Villar.
Hindi napigilan ng lucky seven na maging emosyonal nang matapos na nila ang taping ng reality show dahil naging close sila sa isa’t isa sa loob ng more than one month taping sa South Korea.
Sama-sama nilang pinagtagumpayan ang bawat tests na ibinigay sa kanila, walang awayan, lahat nagtulungan kahit magkakalaban sila sa isa’t isa. Puring-puri at thankful din nila ang isa’t isa, sa pagiging cooperative sa bawat tests at pinasalamatan din nila si Buboy na naging tagaalis nila ng pagod at nagagawa pang magpatawa para maaliw sila.
Nagpasalamat din ang cast sa staff at crew at sa Korean SBS team sa pag-aalaga sa kanila during their taping.
Fans are already clamoring for a second season, Abangan!!!
***
FINALE episode na this Friday, December 23, ng Pinoy adaptation ng Korean drama series na ‘Start-Up PH’ with Alden Richards, Bea Alonzo, Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi and Ms. Gina Alajar.
Dear viewers, huwag ninyo i-miss panoorin ang napakagandang ending ng Start Up PH after “Maria Clara at Ibarra” sa GMA-7.
Ngayong tapos na ang first team-up drama series nina Alden at Bea, balitang itutuloy na ni Alden ang Japan family vacation ng Faulkerson Family. Every year before the pandemic ay may Christmas vacation lagi si Alden with his dad, sisters Riza and Angel.
This time nga raw ay itutuloy na nila ang nakaugaliang Christmas vacation, Since birthday na ni Alden on Janaury 2, nai-tape na niya ang kanyang birthday celebration, na mapapanood sa “All-Out Sundays.”
Magiging busy na rin si Alden sa mga coming projects ng kanyang Myriad Corporations, after ng “Huling El Bimbo Concert” ng Eraserheads this Thursday, December 22 sa SMDC Festival Grounds sa Paranaque City.
Meanwhile, Bea is taking time off from the big city to enjoy a relaxing stay sa kanyang Zambales farm, ang 16-hectare land, ang Beati Firma.
Inamin ni Bea na sa dami ng mga ginawa niya this year, hindi na siya nakadalaw sa kanyang farm, “ I forgot how I miss just being close to nature and being close to animals. But I make sure to come home to my sanctuary every chance I get.”
Masayang ibinalita ni Bea na ang Beati Firma ay may sarili nang mini-chapel and gym, bukod pa sa 5,000 mango and 5,000 mahogany trees and farm animals na alaga nila roon. Tawag nga ni Anne Curtis kay Bea: ‘haciendera.’
***
SIGURADO na naman ang kilig and good vibes sa panibagongTV adaptation with Wattapd WEBTOON Studios sa pamamagitan ng “LUV IS: Love at First Read.”
Nagsisimula nang mag-shoot ang one of the most sought-after Sparkle loveteams – Mavy Legaspi and Kyline Alcantara. Ang panibagong serye ay based sa hit Wattpad webnovel written by author “Chixnita.”
Makakasama nila ang iba pang Sparkle stars na sina Josh Ford, Pam Prinster, Bruce Roeland, Larkin Castor, Therese Malvar, Mariel Pamintuan and Kiel Gueco, with Maricar de Mesa, Jestoni Alarcon, and Ms. Jackie Lou Blanco.
Sa January, 2023 mapapanood ang “LUV IS: Caught in His Arms” nina Sparkle sweethearts Sofia Pablo and Allen Ansay, at ang “LUV IS: Love at First Read” ay mapapanood naman sa June, 2023.
(NORA V. CALDERON)
-
Personal appearance ng mga senior sa pagkuha ng pension, ipinatigil ng IATF
Simula sa Marso 1, 2021, hindi na kailangang magtungo ng personal ang mga senior citizens sa mga pension issuing agencies at mga servicing banks para sa balidasyon at pagkuha ng kanilang pension. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inatasan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang mga pension issuing agencies […]
-
Tuluy-tuloy na mutation ng COVID-19, asahan – DOH
ASAHAN na umano ng mga Pilipino na magtutuluy-tuloy ang mutasyon at pagsulpot ng iba’t ibang lineage ng COVID-19 sa mga darating pang panahon at kailangang matutunan ng lahat na mabuhay kasama nito ng may ibayong pag-iingat sa kanilang kalusugan. Ito ay makaraan na matukoy muli na nasa Pilipinas na ang Omicron subvariant BQ.1 […]
-
Resupply mission vessel ng PH muling hinarang at binangga ng China Coast Guard
MULING hinarang ng China Coast Guard ang resupply mission vessel ng Philippine Coast Guard kahapon ng umaga sa may bahagi ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea. Ito ang kinumpirma ngayon ng National Task Force for the West Philippine Sea. Sa isang statement ng Task Force sinabi nito na ang ginawa […]