Kinaligiwan ng netizens ang photos ni Baby Aurora: ALFRED, nagpa-face reveal na sa ika-apat na anak nila ni YASMINE
- Published on January 26, 2024
- by @peoplesbalita
SA Instagram account nila, may pa-face reveal na nga mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine Espiritu sa kanilang fourth baby na si Aurora Sofia.
Super cute ang pictorial photo nang natutulog na anak habang nakabalot sa blanket at may suot na headband na mga flower.
Caption nila sa naturang IG post, “To our dear family and friends,
“With much love, gratitude and happiness, we proudly introduce the newest member of our family, our little bundle of joy, AURORA SOFIA E. VARGAS [pink flower, heart emojis].”
“We love you so much Aurora [pink flower emoji],”
Kasunod nito, ay nag-post si Yasmine ng isa pang photo ni Baby Aurora, na naka-white baby dress with matching headband.
“They say if you dream a thing more than once, it’s sure to come true.” -Aurora, Sleeping Beauty,” caption niya.
Last December 26 nang manganak si Yasmine at kasabay nito ay ipinaalam nila ang name ng newest member of the family.
Hindi naman kaila sa lahat na naging maselan ang pagbubuntis ni Yasmine sa ika-apat na anak nila ni Alfred, kaya ilang linggo silang nasa ospital hanggang sa matiwasay itong nakapagsilang kay Baby Aurora.
Ang tatlo pang anak ang mag-asawa ay sina Alexandra Milan, Aryana Cassandra, at Alfredo Cristiano, na nag-iisang lalaki.
Narito naman ang mga komento ng netizens na tuwang-tuwa talaga sa kakyutan ni Baby Aurora:
“Worth it lahat ng hirap mo during pregnancy mam Yasmine, So pretty ni Baby Aurora [red heart emoji].”
“Congrats po, ang ganda ganda talaga ng mga babies niyo [red heart emojis].”
“Ito talaga inaabangan q kasi excited na aqng makita c baby [happy face with heart eyes emojis].”
“Awwwww I’m melting, there is liltle angel here [red heart emoji].”
“It’s so worth it Momshie Yasmine [red heart emoji]. Hello beautiful Aurora just like Momie Yas [red hearts, smiling face with heart-eyes emoji].”
“Grabe worth it naman hirap mo po sa pagbubunti [red heart emoji] Sobrang ganda. Lahat maganda at gwapo/ [red heart, smiling face with hearts emoji].”
“Super ganda mo baby Aurora! [smiling face with heart-eyes emojis]”
“So pretty [red heart emoji] kita na po na ang daddy nya ang kamukha [smiling face with hearts emoji]”
“Congrats po, ang ganda ganda talaga ng mga babies nyo. i cannot forget you po, eversince po nung nagsimba po kame sa lagro church, katabi po namin kayo nahulog yung lampin ng baby ko ikaw po pumulot, grabe, super bait ng first lady namin sa QC hehe. [red hearts emoji]”
(ROHN ROMULO)
-
CICC, hiniling sa Japanese govt na imbestigahan ang panlolokong bomb threats
NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa Japanese government na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa panloloko lamang na bomb threats na natanggap ng ilang ahensiya ng pamahalaan sa Pilipinas. “Efforts are now on the way to request the Japanese government to investigate thoroughly and identify the sender,”ayon sa kalatas […]
-
Bumibili ng bakuna mananagot din – PNP
Tahasang sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar na hindi lamang ang mga nagbebenta ng hindi awtorisadong CoViD-19 vaccine ang kanilang huhulihin kundi papanagutin din ang mga mismong tumatangkilik o bumibili nito. Ayon kay Eleazar, hindi dapat na pagkakitaan ang bakuna sa panahon ng pandemya. Aniya, mga taong may halang […]
-
A cure at the cost of humanity. “Love You as the World Ends” takes audiences to the heart of the apocalypse
Humanity is at the brink of destruction, and the cure might entail the ultimate cost. Love You as the World Ends follows a group of survivors fighting for their lives and their loved ones as the Golem virus turns the majority of the human race into rabid zombies. Watch the trailer […]