• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinalimutan na at masaya namang nakatulong: ARCI, inaming may artistang nangutang at ‘di nagbayad

SI Arci Muñoz ang kinuhang celebrity endorser ng JuanHand, isang kumpanya na nagpapautang sa mga nangangailangan.

 

Kaya naikuwento niya ang tungkol sa karanasan niya ng pagpapautang na hindi na siya binayaran.

 

Ang natatawang lahad niya, “Ang problem sa akin when people nangungutang sila, I don’t know how to make singil.

 

“Hindi ko alam kung paano sila sisingilin ng hindi ako… ako pa yung nahihiya, ayoko kasing maka-offend, and pagdating sa mga money matters medyo…di ba ang awkward?

 

“Na-experience niyo na ba yun? Na parang kayo pa yung nahihiyang maningil? So nung narinig ko na meron ding program yung JuanHand na nagbibigay ng mga financial advices, I’m very glad na ako yung napili nila talaga.

 

“So I’m really grateful that we have JuanHand now, so hindi na ako magpapautang,” sabay-tawa muli ni Arci, “I’ll just tell them go to JuanHand.”

 

And yes, may artistang nangutang sa kanya.

 

“Oh gosh! Matagal na panahon na yun, bata pa ko eh,” ang natatawa pa ring sinabi ni Arci.

 

At nakakalokang hindi na ito nakabayad sa pagkakautang kay Arci.

 

“Hindi na, hindi na ko naningil. Okay na ‘yun, matagal na matagal na panahon na yun, kinalimutan ko na, tsaka maliit na halaga lang.

 

“Tsaka ‘di ba mas blessed naman na tayo ngayon, so okay na yun, ipaubaya na natin, at least nakatulong tayo,” wika pa ni Arci.

 

Samantala, present sa contract signing ni Arci para sa JuanHand sina Brian Badilla (JuanHand Branding Head), Coco Mauricio (JuanHand President and CEO) at Mark Tubello (JuanHand Senior External Affairs Officer).

 

Para sa mga karagdagang impormasyon at para makautang, bisitahin lamang ang Facebook page ng JuanHand o i-download ang JuanHand app sa Google Playstore o sa iOS Appstore.

 

***

 

GINAGANAP ang The Manila Film Festival simula none June 5, kung saan sa unang pagkakataon (at sa pangalawang taon ng festival) ay mga baguhang filmmakers ang mga kalahok.

 

Ang walong pelikula at direktor ay ang Festival Ballad of a Blind Man ni Charlie Garcia Vitug ng De La Salle – College of Saint Benilde; Happy (M)others Day ni Ronnie Ramos ng UP Film Institute; Una’t Huling Sakay ni Vhan Marco Molacruz ng Colegio De San Juan De Letran – Manila; threefor100: o ang tamang porma ng pag uukay at iba pang mga bagay-bagay, i think! ni Cedrick Labadia ng iACADEMY; An Kuan ni Joyce Ramos ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila; Ditas Pinamalas ni Adrian Renz Espino ng Adamson University; Pinilakang Tabingi ni John Pistol Carmen ng Bicol University; at Bahay, Baboy, Bagyo ni Miko Biong ng UP Film Institute.

 

Si Mr. Ed Cabagnot ang festival director-programmer-consultant ng TMFF, ang Kroma/Anima naman ang line producer para sa mga featured shorts ng festival kung saan kabilang sina Dwein Baltazar (Nananahan), JP Habac (Shortest Day, Longest Night), Jose Lorenzo “Pepe” Diokno (Lumang Tugtugin) at Sigrid Bernardo (May At Nila).

 

Tatakbo ang festival hanggang June 11 sa Robinson’s Manila at Robinson’s Magnolia.

 

Sa June 11 din ang awards night sa Metropolitan Theater.

 

Proyekto ito ng City of Manila ni Mayor Honey Lacuna at ng KreativDen ni Kate Valenzuela.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Nagpapasalamat sa production na binusisi ang mga detalye: BARBIE, nalula sa mga papuri sa performance sa bagong GMA teleserye

    PROUD daddy si Dennis Trillo sa anak nila ni Jennylyn Mercado na si Baby Dylan dahil natuto raw siyang maging isang hands-on parent.     Inamin ng bida ng GMA teleserye na ‘Maria Clara At Ibarra’ na hindi niya na-experience ang maging hands-on dad sa panganay niyang si Calix Andreas dahil sa ina nitong si Carlene Aguilar ito […]

  • Puring-puri naman siya ng veteran actor: DINGDONG, sobrang saya na muling makatrabaho si TIRSO

    IKINATUWA ni Dingdong Dantes makatrabaho ulit sa isang malaking teleserye ang award-winning veteran actor na si Tirso Cruz III.     Unang nagkasama sina Dong at Kuya Pip sa 2002 teleserye na ‘Sana ay Ikaw Na Nga’. Nagkasama sila ulit sa teleserye na ‘Endless Love’ noong 2010 at sa ‘I Heart U Pare’ in 2011. […]

  • Sa historical fantasy ng novel ni Dr. Rizal: DENNIS, balik-trabaho na at makatatambal sina JULIE ANNE at BARBIE

    BALIK-TRABAHO na si Kapuso Drama Actor Dennis Trillo, matapos ang ilang buwan, after ng drama series niyang “Legal Wives” with Alice Dixson, Andrea Torres and Bianca Umali.     At pagkatapos makapagsilang ang wife niyang si Kapuso Ultimate Actress Jennylyn Mercado ng kanilang baby girl.     “Maria Clara at Ibarra,” ang historical fantasy na […]