• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinatay na motorsiklo natunton dahil sa social media

SA tulong ng kanyang Facebook at social media account, naaresto ang isang suspek at natunton ang kanyang tinangay na motorsiklo sa Bacoor City, Cavite Linggo ng hapon.

 

 

Kasong paglabag sa PD 1612 (Anti-Fencing Law) ang kinakaharap ng suspek na si alias ‘Jack’ nasa wastong edad dahil sa reklamo ni Rodrigo Navarette Jr y Luna, nasa wastong edad.

 

 

Sa ulat, ipinarada ng biktima ang kanyang motorsiklo na Honda TMX 155 na may side car sa harapan ng Maliksi Elementary School sa Brgy Bayanan, Bacoor City Cavite subalit nang balikan nito at nawawala na.

 

 

At sa pamamagitan ng footage sa Closed Circuit Television (CCTV) sa lugar, nalaman nito na tinangay ng suspek.

 

 

Dahil dito, in-post ng biktima sa kanyang Facebook account, gayundin sa Messenger account sa  group ng kanyang kapwa motorcycle driver. Hinggil sa pagkawala nito.

 

 

Ilang sandali lang nang nakatanggap siya ng tawag mula sa lanyang kapwa driver na nakita ang side car nito sa Brgy talon 5, las Pinas City,

 

 

Isa pang tawag ang kanyang natanggap na nakita ang kanyang motorsiklo sa bahay ng suspek sa Brgy Bayanan, Bacoor City, Cavite at pinamamadali ito dahil sinisimulan ng katayin.

 

 

Agad na ipinagbigay alam sa pulisya kung saan nagtungo sa lugar dakong alas-2:00 kamakalawa ng hapon  na nagresulta sa pagkaka-aresto sa suspek.

 

 

Narekober sa bahay ng suspek ang ilang piraso ng kanyang motorsiklo na kinatay kabilang ang kanyang side car at  mug wheels. GENE ADSUARA

Other News
  • Pangako ni PBBM, panatilihing ligtas ang mga mamahayag

    SINABI ni OPS Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil na “strongly committed” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na proteksyonan at iligtas ang mga miyembro ng mga mamahayag sa bansa.     “Marcos is committed to protecting you,” ani  Velicaria-Garafil.     “Makaaasa kayo na ang ating Pangulo, President Ferdinand R. Marcos, ay patuloy ang pagkilala […]

  • Kadiwa caravan, magpapatuloy kahit tapos na ang Kapaskuhan- PBBM

    KAHIT tapos na ang Kapaskuhan ay magpapatuloy pa rin ang implementasyon ng Kadiwa ng Pasko project.     Kinilala ni Pangulong Marcos Jr.  ang kahalagahan na mag-alok ng abot-kayang halaga ng produkto sa mga Filipino consumers.     Sa isinagawang  Kadiwa ng Pasko caravan sa Quezon City, hangad ni Pangulong Marcos na makipag- tie-ups sa […]

  • Ads April 20, 2024

    adsapr_202024