• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kingstown 2 at Queensville sa Brgy. 171 Caloocan, ila-lockdown

Isasailalim ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa lockdown ang Kingstown 2 at Queensville sa Barangay 171 mula 12:01am ng Lunes, March 22 hanggang 11:59pm ng Linggo, March 28, 2021.

 

 

Ayon kay Mayor Oca Malapitan, ang ipatutupad na lockdown ng pamahalaang lungsod ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 cases sa lugar.

 

 

Kailangan muna nating limitahan ang galaw ng mga residente sa dalawang subdivision upang hindi na lumaganap ang sakit. Sa loob ng pitong araw na lockdown ay magsasagawa tayo ng mass testing, misting at disinfecting operations,” ani alkalde.

 

 

Mamamahagi naman ng food boxes ang mga pamahalaang lungsod sa mga bahay kung kaya’t inaabisuhan ang mga residente na maglagay ng mga upuan labas ng kanilang tahanan upang mapaglagyan ng kanilang food box.

 

 

Sa kasalukuyan ay mayroong 15 kaso ng COVID-19 sa Queensville at Kingstown 2 habang may kabuuang bilang na 61 active cases naman ang Barangay 171.

 

 

As of 5pm ng March 18, 2021, umabot na sa 16,022 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, 931 dito ang active cases, 14,577 ang mga gumaling at 514 ang namatay. (Richard Mesa)

Other News
  • Pacquiao, liyamado sa mga sugarol sa pustahan sa Las Vegas

    Liyamadong liyamado sa mga pustahan ng mga sugarol sa Las Vegas si Manny Pacquiao.     Kinikilala pa rin ng mga mananaya doon ang kakayahan ni Pacman sa kabila na 42-anyos na ito.     Lalo namang nabaon sa pagiging underdog ang Cuban champion na si Yordenis Ugas dahil hindi pa ito kilala.     […]

  • Inabandonang bagong panganak na sanggol, na-rescue sa Malabon

    MATAGUMPAY na nailigtas ng mga awtoridad ang isang inabandonang bagong panganak na sanggol sa gilid ng kalsada sa Malabon City, Lunes ng umaga.       Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-6:40 ng umaga nang mapansin ng saksing si Marlyn Amado, 20, Vendor ng Brgy. Potrero ang isang pulang eco bag […]

  • Alert Level 3 para sa NCR may ‘good chance’, – Sec. Roque

    HABANG patuloy na bumababa ang kaso ng Covid -19, sinabi ng Malakanyang na may “good chance” ang National Capital Region (NCR) na i-downgrade o ibaba sa Alert Level 3, stage ang bagong coronavirus (COVID-19) response system na ikinasa sa rehiyon.   Layon nito na payagan ang mas maraming negosyo at aktibidad para magbalik operasyon.   […]