Kinoronahan bilang ‘Miss Teen Universe’: KYLIE LUY, gustong patunayan na deserving para maging representative ng Pilipinas
- Published on March 3, 2022
- by @peoplesbalita
ANG dating The Voice Kids Philippines contestant na si Kylie ‘Koko’ Luy ay pumasok sa bagong larangan at determinado siyang magtagumpay.
Kahit na baguhan si Kylie sa beauty pageant, gustong patunayan ng 19-year-old na deserving para maging representative ng Pilipinas sa most prestigious and biggest teen pageant in the world.
Her crowning ceremony bilang Miss Teen Universe was held last February 15, 2022 at The Diamond Hotel Manila with the support of PAGCOR.
Standing at 5’10 (without heels), Kylie is a head-turner but what makes her even more attractive is the way she speaks – articulate and full of wisdom.
Kaya niyang magsalita with a British accent. She grew up in London at nagbalik lang siya ng Pilipinad nung sumali siya sa The Voice Kids noong siya ay 11 years old.
Kaya din niyang magsalita ng may American accent dahil graduate siya ng International School dito sa Maynila.
Siya ay incoming freshman student at the Esmod Fashion Institute in France this September where she will take up Fashion Design.
Ayon kay Kylie, hindi niya ini-expect na ang pagsali sa isang beauty pageant ay magiging challenging.Pero nakapag-adjust naman daw siya sa physical training and other preparations.
Aminado ang dalaga na medyo hesitant siya sa umpisa kasi hindi naman niya na-imagine herself to be a beauty queen.
Mas mahilig siya sa music at arts. Bukod sa pagkanta, marunong din siya tumugtog na guitar, piano and violin.
Sa katunayan, nakatakda niyang ilunsad ang kanyang musical career as she just recorded her single “Hey Mr Perfect” which she composed herself. The song according to Kylie, was arranged by veteran Rannie Raymundo and recorded at the studio of Vehnee Saturno.
Miss Teen Universe will be held from March 3 to 7, 2022 in Dubai, UAE.
***
FIRST episode pa lang ay nagpakitang-gilas na agad ang bagong GMA 7 series na Widows’ Web.
Directed by Jerry Lopez Sineneng, impressive ang acting ng mga artista sa Widow’s Web that include Carmina Villarroel, Pauline Mendoza, Vaness del Moral at Ashley Ortega.
Idagdag mo pa rito sina Edgar Allan Guzman, Adrian Alandy, at Alan Paule na mahuhusay rin ng mga aktor kaya expect ang mas matinding labanan sa acting in the future episodes.
Ito ang unang directorial assignment ni Direk Jerry since moving to the GMA network. Tiyak na excited si Direk Jerry to go back behind the camera after mawalan nang trabaho when ABS-CBN closed shop after failing to get a new franchise.
Tinanong namin si Direk Jerry kung ano ang kanyang naramdaman doing his first show sa Kapuso Network.
“Kinabahan noong una. Pero noong naramdaman ko ‘yung support nila, ‘yung pagtanggap sa akin whole-heartedly, nawala ang kaba. Ngayon I’m just happy to be a Kapuso,” pahayag ni Direk Jerry.
(RICKY CALDERON)
-
Nasa Amerika na para ituloy ang pag-aaral: Anak ni MARK ANTHONY na si GRAE, nanggulat sa sexy photo
NANGGULAT sa social media ang anak ni Mark Anthony Fernandez na si Grae Fernandez. Pinost nito sa kanyang Instagram na shirtless siya. Nilagyan niya ito ng caption na: “I miss the Heat.” Kuha ang naturang sexy photo niya sa Miami, Florida. Bigla tuloy siyang pinagnasaan ng mga nag-init na accla! […]
-
Face mask sa Simbang Gabi, hinirit
HINIKAYAT ng Simbahang Katoliko na boluntaryong magsuot ng facemask ang mga dadalo sa tradisyunal na Simbang Gabi kasunod ng pagtaas muli sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa circular na inilabas nitong Disyembre 15, sinabi ni Cardinal Jose Advincula na ito ay ayon sa rekomendasyon ng Ministry of Health Care ng arkidiyoseses. […]
-
TBA Studios’ ‘Dito at Doon’ (Here and There) to Have a World Premiere at Osaka Asian Film Festival
JP Habac’s upcoming film Dito at Doon (Here and There) starring Janine Gutierrez and JC Santos, will premiering at the 2021 Osaka Asian Film Festival in March. The film will be screened at the Cine Libre Umeda in Osaka on March 9 and March 13 as part of the festival’s New Action! Southeast […]