• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinumpirma ng may-ari ng TV5: TVJ at Dabarkads, opisyal na ang paglipat sa Kapatid Network

OPISYAL na nga ang paglipat nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at ng iba pang original hosts ng “Eat Bulaga” sa bago nila tahanan, ang TV5.

 

 

Kinumpirma ito ng MediaQuest President and CEO na si Jane Basas kahapon, Miyerkules, June 7 sa pamamagitan ng isang official statement.

 

 

Kaya naman nagbunyi at tuwang-tuwa ang mga naghihintay na Dabarkads sa buong mundo sa latest update tungkol sa TVJ. Done deal na nga at nagkapirmahan na magkabilang grupo kaya tuloy na tuloy ang paggawa nila ng content para sa TV sa platforms ng MediaQuest.

 

 

Ayon sa naging pahayag ni Ms. Jane Basas, “I’m happy that Tito, Vic, and Joey will now call TV5 their home.

 

 

“I’m honored that these pillars of the Philippine entertainment industry have agreed to work with us.

 

 

 

“Our partnership strengthens our ability to continue to deliver the best for Filipino viewers here at home and all over the world.”

 

 

 

Naglabas din mensahe si Tito Sen tungkol sa paglipat ng grupo sa TV5 upang ipagpatuloy ang nasimulan na isang libo’t-isang tuwa para sa sambayanang Pilipino.

 

 

 

“We are thankful to our friends at Mediaquest for this fresh start.

 

 

 

“Dahil sa ating mga Dabarkads na naging Kapatid, tuloy pa rin ang tuwa’t saya na aming dala,” pahayag ni Tito Sen.

 

 

 

Bali-balitang inaayos na ang TV5 studio sa Mandaluyong para sa bagong noontime show ng TVJ na wala pang binibigay na title. Patuloy kasi ipaglalaban nila na magamit pa rin ang titulong “Eat Bulaga.”

 

 

 

Sa ngayon, isa sa pinagpipilian na maging titulo bagong noontime show ang “Dabarkads” dahil nananatiling pag-aari ng TAPE Incorporated ang “Eat Bulaga”.

 

 

 

Hinangaan din ng mga netizen ang ginawang logo sa paglipat ng TVJ at TV5. At ang witty ng post ni Joey sa kanyang twitter account na “Dolly Parton – 9 To 5” kasama ang official video ng song na naka-post sa YouTube.

 

 

 

Usap-usapan din na magtatapos na sa June 30 ang kontrata ng ‘It’s Showtime’ sa TV5, kaya posibleng hindi na sila ma-renew sa same timeslot na hawak nila ngayon dahil uukupahin na ito sa pagpasok ng TVJ.

 

 

 

May tsika rin na puwede namang ilipat ng timeslot ang ‘It’s Showtime’, na pwedeng pre-programming ng ‘Frontline’. Magkaroon din ng pagbabago ang noontime series na iniere ng TV5.

 

 

 

Samantala, narito ang ilan komento ng mga marites:

 

 

 

“Hinintay na namin kayo Dabarkads.”

 

 

 

“Galing ng logo.”

 

 

 

“Buti ang Mediaquest ni MVP ang magpo-produce para tuluy tuloy sa success ng TV5.”

 

 

 

“Can’t wait to see them again on TV! They complete my day!”

 

 

 

“Good for them,kahit papano may established na ring viewers na ang tv5 plus tvj is tvj..so Tuloy ang isang libo’t isang tuwa.”

 

 

 

“Feeling ko cinonsider nila sa decision nila na maganda sa teaser yung tvj/tv5.”

 

 

 

“So excited for TVJ & dabarkads! More power to you guys!”

 

 

 

“May nabasa ako baka daw hindi na irenew ang showtime dahil asa tv5 na ang tvj. Naku. How true kaya?”

 

 

 

“See may plano talaga sila mag-resign that day. two days before may staff na nag file ng early retirement malamang kasama nila jan. Ang bilis naplantsa ng deal ah.”

 

 

 

“Either iligwak ang Face to Face ni K na mas mauna ka pa mainis sa host kaysa guest and ilagay sa pre-noontime ang Showtime para mag back2back with TVJ or yung 4 to 6 pm timeslot ng TV5 ilagay ang Showtime. Apektado siguro dito yung panghapon na series ng ABS and TV5 collab.”

 

 

 

“Sana soon na. Para hindi na stress parents ko. hahaha.”

 

 

 

“As a loyal Kapuso, this just makes me sad.”

 

 

 

“Oh ayan nagsama na ang IS at EB. diba everything talaga is possible!”

 

 

 

“Iba pa din ang reach ng GMA. MAS MALINAW.”

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • 4 huli sa droga at sugal sa Valenzuela

    ARESTADO ang apat katao matapos maaktuhan nagsusugal at masita sa paglabag sa ordinansa kung saan dalawa sa kanila ang nakuhanan ng ilegal na droga sa Valenzuela City.     Sa report ni PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng tawag sa telepono ang Police Sub-Station 4 hinggil sa […]

  • ‘8 billionth baby’, isinilang sa Maynila

    ISINILANG noong Novikinokonsiderang “symbolic 8 billionth person in the world” sa Dr. Jose  15, Martes ang isang sanggol na babae na Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz, Maynila ala-1:29 ng madaling araw nitong Martes.     Ang sanggol na iniluwal sa pamamagitan ng normal delivery ng 26-anyos na si Maria Margarita ng Tondo, Maynila ay […]

  • JED, sobrang nakaka-relate sa pinagdaanan ng ‘BTS’ bago sila naging global superstars; nakaranas din ng anxiety attacks

    NAGING open ang singer na si Jed Madela tungkol sa naranasan niyang anxiety noong magkaroon ng COVID-19 pandemic.     Sa naging panayam niya sa vlog ni Ogie Diaz, kinuwestiyon ni Jed ang sarili kung hinahanap-hanap pa ba siya ng maraming tao at kung may career pa ba siyang puwedeng matawag?     “Ang daming […]