• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kiyomi bigatin ang makakalaban sa Tokyo Games

Aminado ang Philippine Judo Federation (PJF) na mahihirapan si Fil-Japanese Kiyomi Watanabe na makapag-uwi ng medalya mula sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

 

 

Ito ay dahil sa bigating mga karibal ni Watanabe sa women’s -63-kilogram division, ayon kay PJF president David Carter.

 

 

Ilan rito ay sina World No.1 Clarisee Agbenenou ng France, 2016 Rio de Janeiro Olympics gold medalist Tina Trstenjak ng Slovenia, Miku Tashiro ng Japan at Olympics bronze medalist Sanne Vermeer ng Netherlands.

 

 

“Hopefully palarin. I know she will do her best. Iyong pinapakita niya sana galingan niya,” ani Carter sa four-time Southeast Asian Games gold medal winner na si Watanabe sa lingguhang TOPS Usapang Sports on Air.

 

 

Nabigyan ang 24-anyos na si Watanabe ng Olympic slot via continental quota sa women’s -63kg class base sa final at official qualification list na inilabas ng International Judo Federation (IJF).

Other News
  • Delivery ng national IDs makukumpleto sa 2024 – PSA

    KAKAIN pa ng isang taon o aabutin pa nang hanggang September 2024 bago makumpleto ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang paghahatid ng physical national ID cards sa mga Pinoy na nagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys).     Ayon kay PSA head Claire Dennis Mapa, mayroon nang 81 milyong Filipino ang nagparehistro sa PhilSystem pero […]

  • Bukod sa ‘Broken Hearts Trip’: CHRISTIAN, uunahing panoorin ang ‘Rewind’ nina MARIAN at DINGDONG

    MAY kinalaman sa kanyang kalusugan ang New-Year’s Resolution ni Christian Bables.     Lahad ng aktor, “Siguro dapat mag-pay attention na ako sa health ko, kasi ngayong taon hindi ako nakapag-gym, tapos kung anu-ano kinakain ko, so parang napabayaan ko ng konti.”     Wala naman raw siyang bisyo.     “Hindi ako umiinom, hindi […]

  • NBA players, binigyan ng June 24-deadline para ihayag kung maglalaro sa season restart

    Binigyan na ng palugit ang mga players ng NBA hanggang Hunyo 24 upang abisuhan ang kani-kanilang mga teams kung lalahok o hindi ang mga ito sa pagbabalik ng mga laro ng liga sa Walt Disney World. Mismo kasing mga NBA players ay hindi nagkakaisa sa muling pagpapatuloy ng season sa Orlando dahil sa samu’t saring […]