NBA players, binigyan ng June 24-deadline para ihayag kung maglalaro sa season restart
- Published on June 17, 2020
- by @peoplesbalita
Binigyan na ng palugit ang mga players ng NBA hanggang Hunyo 24 upang abisuhan ang kani-kanilang mga teams kung lalahok o hindi ang mga ito sa pagbabalik ng mga laro ng liga sa Walt Disney World.
Mismo kasing mga NBA players ay hindi nagkakaisa sa muling pagpapatuloy ng season sa Orlando dahil sa samu’t saring mga dahilan, tulad ng coronavirus pandemic at social issue sa Amerika.
Batay sa memo mula sa National Basketball Players Association, nagkasundo rin daw ang liga at ang unyon na sa muling pagpapatuloy ng season, sinumang players na mas pipiliing hindi muna maglaro ay babawasan ng 1/92.6th ang kanilang kompensasyon sa kada game na hindi nila sasalihan, na may limitasyon na hanggang 14 laro.
Maliban dito, inabisuhan na rin ng NBA ang mga players na sasailalim sila sa ilang mga proseso sa oras na umalis sila sa Disney campus na walang pahintulot.
Kabilang na raw dito ang pagsailalim sa 10 hanggang 14 na self quarantine, pagbawas sa sahod sa kada larong hindi lalahukan, at enhanced testing gaya ng deep nasal swab.
Una rito, sinabi ni NBA Commissioner Adam Silver na kung hindi raw panatag ang isang player na maglaro sa Disney sa anupamang rason, hindi naman daw nila kinakailangang mag-report sa kanilang
-
‘Ready to Build Program’ng NDRRMC at World Bank
MAAASAHAN ang pinalawig na “Ready to Rebuild Program” ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at World Bank ngayong 2022. Ayon kay NDRRMC Executive Director at Civil Defense Administrator Undersecretary Ricardo B. Jalad, apat pang training batches ang isasagawa ngayong taon matapos ang unang apat na isinagawa noong nakaraang 2021. […]
-
Proud sa mga accomplishments kasama ang Sisters at Megasoft: MYRTLE, patuloy na sinusulong ang ‘proper feminine hygiene’ advocacy sa gitna ng pandemya
SA loob ng anim na taon, naging magkatuwang na si Myrtle Sarrosa at Megasoft Hygienic Products Inc. upang ipalaganap ang kahalagahan ng magandang edukasyon, gayundin, ang pagpapanatili tamang kalinisan sa katawan lalo na sa kababaihan. Tuluy-tuloy nga ang sisterly bond ni Myrtle at ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners matapos mag-renew ng kanyang endorsement […]
-
Ads February 17, 2020