• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Klase sa public schools sa Agosto 29 na

PORMAL nang inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) kahapon ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

 

 

Sa abiso ng DepEd, magbubukas ang klase para sa School Year 2023-2024 sa lahat ng public schools sa Agosto 29, 2023.

 

 

Samantala, ipinauubaya naman ng DepEd sa mga pribadong paaralan ang pagtatakda ng petsa ng pagsisimula ng pasok ng kanilang mga mag-aaral.

 

 

Anang DepEd, maa­aring magbukas ng klase ang mga private school simula sa unang Lunes ng Hunyo, ngunit hindi dapat na lampas sa huling araw ng Agosto. (Daris Jose)

Other News
  • Public school teachers, tatanggap ng P3,500 cash allowance ngayong Hunyo – DepEd

    Makatatanggap umano ng P3,500 na cash allowance ang mga guro sa pampublikong paaralan ngayong Hunyo.   Ayon kay Department of Education (DepEd) Usec. Annalyn Sevilla, target nilang ilabas ang allowance sa ikalawang linggo ng buwan.   “Meron pong cash allowance ang mga teachers. This is an additional benefit. It’s budgeted. It’s ready for release. We […]

  • Preparasyon sa SONA 2023, sinimulan na

    NAGSAGAWA  nang pagpupulong ang Kamara, representante mula sa Office of the Presidential Protocol at Senado para sa nalalapit na ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Bongbong Marcos.     Kasama sa tinalakay ang mga plano, pagsasaayos at ideya sa nasabing kaganapan.     Ayon kay HRep Secretary General Reginald Velasco, ang pagtalakay […]

  • COA, pinuna ang Ormoc City dahil sa kabiguan na gamitin ang pondo para sa mga biktima ng Typhoon Odette

    TINAWAGAN ng pansin ng Commission on Audit (COA) ang Ormoc City government dahil sa kabiguan na gamitin ang P9 milyong halaga ng  financial assistance mula sa Office of the President (OP) na dapat sana’y para tulungan ang mga biktima ng Typhoon Odette noong December 2021.     Sa 2022 annual audit report ng  COA ukol […]