• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

China atras sa Int’l sports

Pansamantalang hindi muna lalahok ang China sa mga international competition at sports sa natitirang buwan ng 2020.

 

Ayon sa China, tigil muna rin umano ang ginagawa nilang pagsasanay para sa paglahok sa 2022 Winter Olympic Games sa Beijing at Zhangjiakou.

 

Naapektuhan umano ng nasabing kautusan mula sa General Administration of Sports ang anim na WTA tennis events kabilang na ang WTA Finals sa Shenzehn na gagawin sa Nobyembre.

 

Bukod pa rito, apektado rin ang malaking golf events na gaganapin sa Shanghai na men’s HSBC Champion at LPGA Shanghai.

 

Kasama ring tinamaan ng kautusan ang paghohost ng China sa Asian sports climbing championship sa Oktubre at ang badminton World Tour Finals sa Guangzhou sa Disyembre.

 

Ayon sa China, nais nitong tuluyan nang matigil na ang pagkalat ng virus matapos na tuluyan nang mapahinto ang local transmission.

Other News
  • Trains na gagamitin sa LRT 1 Cavite Extension dumating na

    Ang unang batch ng fourth-generation trains na galing sa Spain at Mexico na gagamitin sa operasyon ng Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension ay dumating na sa bansa.   “The train’s arrival marks the realization of the Light Rail Transit Line 1 (LRT1)’s Cavite extension project, which is eyed for partial operability this year,” […]

  • First Indian na nanalo at ‘di malilimutan ng mga Pinoy: Miss Universe 1994 na si SUSHMITA SEN, nag-celebrate ng kanyang 28th anniversary

    MASAYANG-MASAYA ngayon ang StarStruck Season 7 Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava dahil nasimulan na raw ang bahay na ipinapagawa niya para sa kanyang pamilya.   Panahon na raw na magkaroon na sila ng sariling bahay pagkatapos ng mahabang panahon na pag-rent ng bahay.   “Ayun po ‘yung isa sa very kinikilig ako kasi […]

  • Pagdanganan sumuporta sa panalo ni Saso sa US

    BIGONG mag-qualify si Bianca Isabel Pagdanganan sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 13th leg, $5.5M (P262M) 76th U.S. Women’s Open Golf Championship sa The Olympic Club sa San Francisco, California  na pinanlunan ng kaibigan niyang si Yuka Saso nitong Linggo (Lunes sa Pilipinas).     Ganunpaman, nagsadya pa ang LPGA sophomore pro sa […]