Klase, trabaho sa gobyerno suspendido sa Okt. 31 – Palasyo
- Published on October 25, 2024
- by @peoplesbalita
SINUSPINDE na ng Malakanyang ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa Oktubre 31, araw ng Huwebes.
Sa memorandum circular no. 67 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, mula alas-12 ng tanghali ng Oktubre 31 ay suspendido na ang trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas.
Ang hakbang na ito ay para aniya mabigyan ng buong pagkakataon ang mga kawani ng gobyerno na gunitain ang All Saint’s Day at All Souls Day sa Nobyembre 1.
Gayundin para makabiyahe sa iba’t ibang rehiyon para sa Undas at maisulong ang lokal na turismo.
Habang magpapatuloy naman ang operasyon ng mga ahensiya na naghahatid ng basic at health services, disaster response at iba pang mahalalagang serbisyo.
Ipinauubaya naman ng Palasyo sang suspensyon ng trabaho sa pribadong kompanya sa kani-kanilang management kung magdedeklara rin sila ng walang pasok sa Oktubre 31. (Daris Jose)
-
Ads December 13, 2023
-
Onyok pinayuhan ang 4 Olympic medalists
Imbes na makuntento sa nakamit na Olympic Games medals ay dapat pang magpursige sina weightlifter Hidilyn Diaz at boxers Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial. Ito ang payo ni 1996 Atlanta Olympics silver medalist Mansueto ‘Onyok’ Velasco Jr. kina Diaz, Petecio, Paalam at Marcial na tatanggap ng milyones dahil sa kanilang […]
-
Experience the Colossal Clash: ‘Godzilla x Kong: The New Empire’ Coming in 2024
EXPERIENCE the colossal clash in ‘Godzilla x Kong: The New Empire.’ Get ready for a gargantuan cinematic experience! “Godzilla x Kong: The New Empire,” the much-anticipated sequel to the blockbuster hit “Godzilla vs. Kong,” is set to thunder into cinemas in 2024. Legendary Pictures, in a spectacular return to the Monsterverse, promises […]