Knights pupuntiryahin ang ‘three-peat’ sa NCAA Season 98
- Published on May 25, 2022
- by @peoplesbalita
WALANG ibang puntirya ang Letran Knights kundi ang ‘three-peat’ sa susunod na NCAA Season 98 men’s basketball tournament sa Setyembre.
Kinumpleto ng Knights ang 12-game sweep matapos dominahin ang Mapua Cardinals sa NCAA Finals para angkinin ang kanilang back-to-back championship sa Season 97 noong Linggo.
Unang kinopo ng Letran ang dalawang sunod na titulo noong 1998 at 1999.
“Babalik ako na kapag nag-start iyong practice namin. Kailangan ko na lang is i-improve iyong kulang ko,” sabi ni Rookie of the Year at Most Valuable Player Rhenz Abando sa kanilang asam na ‘three-peat’.
Tanging sina center Jeo Ambohot, forward Christian Fajarito at guard Allen Mina ang mawawala sa lineup ng Knights ni head coach Bonnie Tan sa susunod na season.
Ang pagkopo sa korona ng Season 97 ang sinabi ni Tan na pinakamahirap.
Ito ay dahil sa coronavirus disease (COVID-19) kung saan napuwersa ang NCAA na kanselahin ang Season 96 bago naituloy ang Season 97 noong Abril sa isang bubble setup.
“Mahirap itong pandemic na liga coming from more than two years na bakante,” sabi ni Tan, ang team manager ng NorthPort Batang Pier sa PBA.
-
2 walang suot na face mask, huli sa shabu
KULONG ang dalawang katao na nasita dahil sa hindi pagsuot ng face at paglabag sa curfew hour matapos makuhanan ng tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa Malabon city, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na si Rommel Dayao, 34, at Rominick Mirandilla, 31, […]
-
3 biktima ng human trafficking naharang sa NAIA
HINARANG ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong babaeng pasaherong patungong Lebanon na nagtangkang umalis sa pagkukunwari bilang mga turista. Sinabi ni BI Commissioner Noman Tansingco, ang tatlong babae ay pinigil sa pag-alis sa kanilang mga flight matapos nilang aminin na sila ay papuntang Lebanon at […]
-
Christine Hallasgo, Nhea Ann Barcena wow sa half-marathon
Winalis ng ‘Pinas sa pamamagitan nina 2022 Vietnam SEA Games marathon silver medalist Christine Hallasgo at three-time World Marathon Majors veteran Nhea Ann Barcena ang 1-2 puwesto sa women’s half-marathon ng 10th Ho Chi Minh City International Marathon 2022 nitong Linggo sa Vietnam. Nagposte si Hallasgo, 30, ngng Malaybalay, Bukidnon, ng isang oras, […]