• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kobe Paras lalaro sa Gilas

HANDA na umanong sumabak sa hard court si UP Fighting Maroons star Kobe Paras matapos nitong ipakita ang kanyang mga sneaker na gagamitin para sa laro.

 

Pinaparamdam umano ni Paras sa fans na “bubble ready” na ito matapos umugong ang balitang magiging bahagi ang 23- year-old basketball star ng Gilas Pilipinas pool na papasok sa bubble set up sa Inspire Sports Academy sa Calamba sa Nobyembre.

 

Makakasama ni Paras sa national team pool sina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, at magkapatid na Matt at Mike Nieto.

 

Isiniwalat ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na hanggang ngayon ay wala pang ibinibigay na clearance ang Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Diseases para payagan ang Gilas na magbalik sa ensayo para sa pagsabak sa No- vember window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.

 

Pupunta ang Gilas sa susunod na buwan sa Bahrain upang sumagupa sa Group A kontra sa Korea, Thailand, at Indonesia para sa second window ng qualifiers.

 

Hawak ng Pilipinas ang 1-0 win-loss record sa pool matapos ang panalo kontra Indonesia sa Jakarta, 100-70 noong Pebrero.

Other News
  • Ivana, mabilis ding umaksiyon para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo

    ANG mga YouTuber o vlogger na katulad ng sexy actress na si Ivana Alawi ang isa sa mga artista na mabilis umaksiyon para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo.   Personal na nagpunta si Ivana sa Isabela at Cagayan para mamahagi ng kanyang tulong sa Cagayan.   Ang naging video niya sa kanyang You Tube […]

  • ‘Abe-Nida’, passion project ni Direk LOUIE; hinintay na maging available si ALLEN at dream din makatrabaho si KATRINA

    BALIK sa pagpoprodyus ang BG Productions International matapos manahimik dahil sa pandemya.     Ang comeback movie ng kompamyang pag-aari ni Madame Baby Go ay ang Louie Ignacio art film titled Abe-Nida, na bida sina Allen Dizon at Katrina Halili.     Ayon kay Direk Louie, passion project niya itong Abe-Nida at talagang hinintay niya […]

  • Matapos na isilang ang anak nila ni Dennis: JENNYLYN, agaw-eksena ang na-maintain na kaseksihan

    AGAW-EKSENA ang kaseksihan ni Ultimate Star Jennylyn Mercado sa media conference ng comeback series niyang ‘Love. Die. Repeat.’     Kapansin-pansin na na-maintain ni Jen ang kanyang figure matapos isilang ang kanyang pangalawang anak na si Dylan Jayde noong April 25, 202, na unang anak nila ng asawang si Dennis Trillo.     Ito ang unang beses […]