• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Komite, at mga panukalang magpapabuti sa basic education tinalakay

Pinagtibay ng House Committee on Basic Education and Culture ang House Resolution 1176, sa nominasyon ni dating Senador Ramon Revilla Sr., na Pambansang Artista ng Bayan Pasa sa Pelikula, bilang parangal at pagkilala sa kanyang mga dakilang handog sa industriya ng pinilakang tabing.

 

 

Ang resolusyon ay inihain ni Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez.

 

 

Malugod na tinanggap ni Cultural Center of the Philippines (CCP) Vice President and Artistic Director Chris Millado ang nominasyon sa naturang pagdinig, at sinabing dadaan sa masusing rekisitos ang nominasyon sa pamamagitan ng mga dokumento at pagsasaliksik na kinakailangan para sa pinal na paghuhusga.

 

 

 

Nagdesisyon din ang komite na magbalangkas ng isang resolusyon na mag-aamyenda sa House Bill 7961 o ang “COVID-19 Scholastic Leniency Act,” at HR 1383 na humihikayat sa lahat ng pampubliko at pribadong institusyon ng edukasyon na pagtibayin ang “pass” o “drop” na sistema ng paggagrado.

 

 

 

Ang bagong resolusyon ay magsusulong ng scholastic o academic leniency, at academic ease sa academic calendar para sa COVID-19, na hindi isasakripisyo ang kalidad ng edukasyon.

 

 

 

Binuo rin ng komite ang technical working group (TWG) para sa HB 6405, na naglalayong ipawalang bisa ang implementasyon ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) para sa mga mag-aaral sa Kindergarten hanggang Grade Three.

 

 

 

Ang TWG ay pamumunuan ng may-akda ng panukala, Baguio City Rep. Mark Go.

 

 

 

Inaprubahan din ng komite ang pagsasama ng HBs 7600 at 8293 sa naaprubahang substitute bill sa “Philippine High School for Creative Arts System Act;” gayundin ang HBs 8027 at 8329, na kasalukuyan ngayong nasa TWG, na naglalayong amyendahan ang Republic Act 7743 na magpapalakas naman sa Philippine Public Library System.

 

 

 

At panghuli, nagdesisyon din ang komite na gawin ang isang substitute bill sa HB 6287, na naglalaman ng mga rekomendasyon ng mga resource persons para sa pagbuo ng network ng Meister schools sa bansa. Ang panukala ay inihain ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda.    (ARA ROMERO)

Other News
  • Prinsipyo ang usapan at ‘di pera: VIC, umaming sanay na ang TVJ na halos ‘di kumikita

    MASAYA ang pagpapakilala ni Vic Sotto at ng kanyang M-Zet Productions sa cast ng bago nilang sitcom na “Open 24/7” sa media conference nito last Monday, May 8.     Ito ang papalit sa katatapos na sitcom nila sa GMA Network, of more than four years, ang “Daddy’s Gurl.”     Sa “Open 24/7” Vic […]

  • National Board of Canvassers, binuo na

    PORMAL nang binuo at nag-convene ang National Board of Canvassers (NBOC) ng Commission on Elections (Comelec) para sa senatorial at party-list elections.     Personal na pinangunahan ito ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, kasama ang mga kinatawan ng mga kandidato at partidong politikal na saksi sa pagbubukas sa mga plastic na kahon na naglalaman ng […]

  • Pdu30, pinayagan sina Duque at Galvez na dumalo sa senate probe hinggil sa umano’y overpriced na pagbili ng medical supplies

    PINAYAGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sina Health Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ipagpatuloy lang na dumalo sa Senate probe hinggil sa di umano’y overpriced na pagbili ng medical supplies.   “Kung tawagin niyo, paulit-ulit na naman, sabagay naumpisahan na kasi, Secretary Duque, I will allow him to go […]