• March 20, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Komunidad ng Bicol region makikinabang sa programa ng Anti-Insurgency Fund next year

TINIYAK ng Malakanyang sa mga typhoon-hit communities sa Bicol region na makikinabang ang mga ito mula sa programa sa ilalim ng Anti-Insurgency Fund ng pamahalaan para sa susunod na taon.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, walang pangangailangan na mag-realign ng bahagi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict’s (NTF-ELCAC) P19- billion budget for 2021para sa relief and rehabilitation efforts gaya ng ipinanukala ni Senador Risa Hontiveros.

 

“Itong mga nasalanta ng bagyo po, they will be beneficiaries of the ELCAC funds,” anito.

 

“Hindi na po kinakailangan mag- realign diyan, ipatuloy lang po natin na pondohan iyong mga ELCAC programs at malaking pondo po ay pupunta po dito sa Bicolandia at Catanduanes kung saan aktibo naman po talaga ang mga insurgent,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, walang nakikitang problema ang Malakanyang oras na gamitin ang bahagi ng pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para maidagdag sa pagbibigay tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Rolly.

 

Ito ang naging tugon ni Sec. Roque hinggil sa panukala ni Senador Hontiveros na i-redirect ang bahagi ng P16-B panukalang budget nito.

 

Paliwanag ni Sec. Roque, layon ng ELCAC na magsulong ng pagbabago sa mga lugar na nagpapatuloy ang ‘insurgencies’, lalo’t kahirapan ani Roque ang puno’t-dulo ng pagrerebelde.

 

Pagidiin pa ni Sec. Roque, walang inconsistency oras na gamitin ang bahagi ng pondo ng ELCAC sa Bicol dahil maituturing namang may insurgency doon.

 

Iginiit pa ni Sec.Roque, na kabilang sa mandato ng ELCAC kung nais ba nitong gamitin ang kanilang pondo bilang pantulong sa mga naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Rolly. (Daris Jose)

Other News
  • Nadal nakapagtala ng record sa may pinakamatagal na pananatili sa ATP ranking

    Nagtala ng panibagong record si tennis star Rafael Nadal.   Ito ay dahil siya lamang ang unang manlalaro na pasok sa top 10 ng American Tennis Player sa 800 na magkakasunod na linggo.   Nagtala ng panibagong record si tennis star Rafael Nadal.   Ito ay dahil siya lamang ang unang manlalaro na pasok sa […]

  • Pangulong Duterte, pinangunahan ang presentasyon ng P1-K piso polymer banknote

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang presentasyon ng P1,000-piso polymer banknote, na nagtatampok sa Philippine eagle.     Sa isinagawang ceremonial program, personal at malapitang nakita ng Pangulo ang framed version ng 50 pirasong “uncut P1,000-piso plastic money”.     Ipinrisinta kasi nina Department of Finance (DOF) Carlos Dominguez III at Bangko Sentral ng […]

  • CANNIBAL LOVE STORY “BONES AND ALL” GETS R-16 RATING, TO BE SHOWN WITH NO CUTS

    AFTER playing to sold-out capacity crowds during the QCinema Film Festival, the controversial film “Bones and All” — a story of tender love and cannibalism — now showingnationwi with a favorable R-16 rating from the Movie & Television Review and Classification Board (MTRCB). [Watch the featurette “Bones and All: A Look Inside” at https://youtu.be/PUJ9kccG6BA] The MTRCB […]