Kongreso tutulong sa PSC
- Published on August 29, 2020
- by @peoplesbalita
HANDA ang Congress Committee on Youth and Sports Development na suportahan ang Philippine Sports Commission (PSC) sa hihinging P182M badyet para sa kampanya ng bansa sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Topkyo, Japan.
Base ito sa committee regular meeting nitong Miyerkoles na ginanap sa House of Representatives sa Quezon City.
Inesplika ni PSC Chairman William Ramirez kay Committee chairman Eric Martinez ang pangangailangan ng sports agency nang bawasan ang pondo nila sa taong ito dahil sa Coronavirus Disease 2019 pandemic.
“We were one of those government offices who also contributed to the Bayanihan Act. The DBM (Department of Budget and Management) deducted from us,” lahad ng tagapangulo ng ahensaya sa sports.
“Para sa amin malaking bagay ‘yun kasi kasama doon ‘yung Olympic budget namin. Hanggang ngayon po bakante ‘yan. It’s an opportunity for us to ask, we need your help,” apanapos na pahayag ni Ramirez nitong Biyernes. (REC)
-
Ads November 17, 2021
-
GUMAWA NA NG HAKBANG KONTRA OMICRON COVID VARIANT
PINAKIKILOS na ng World Health Organization (WHO) ang gobyerno na gumawa ng mga depensibong hakbang laban sa Omicron COVID-19 variant. Ang panawagan ng WHO ay Dahil kumalat na ang nasabing variant sa iba pang mga bansa. Hinikayat ng WHO ang mga bansa na rebyuhin ang kanilang pagtugon o national response […]
-
[ALAM N’YO BA? NI REY ANG] MGA EXTRATERRESTRIAL BEINGS (ALIEN), NILALANG RIN NGA BA NG DIYOS?
TUNAY namang nakagigimbal sa lahat ng aspeto, lalo na sa mundo ng relihiyon, kung sakaling matuklasan (o aminin na ng gobyerno) na tunay ngang may mga nabubuhay na nilalang sa ibang planeta sa malayong kalawakan. Isa sa labis na maaapektuhan ng nasabing pangyayari ay ang mga relihiyong Kristiyanismo sapagkat ayon sa Christian belief […]