Kooperasyon, susi sa pagbaba ng alert level status- Año
- Published on February 1, 2022
- by @peoplesbalita
ANG DE-ESCALATION o pagbaba sa alert level status sa National Capital Region (NCR) mula Alert Level 3 tungo sa Alert Level 2 simula Pebrero 1 ay senyales na ang publiko ay sumusunod sa health protocols at iba pang guidelines para mapigilan ang Covid-19 surge.
Ang NCR ay inilagay sa ilalim ng alert Level 3 noong Enero 3 matapos na sumirit ang Omicron variant cases.
Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, magpapatuloy ang ginagawa nilang monitoring dahil inaasahan na nilang daragsa ang mga tao sa mga malls at iba pang public places habang tataas naman ang workforce.
“Ang pinaka-importante kasi dyan ‘yung cooperation ng lahat. Nakita naman natin nu’ng nag-Alert Level 3, hindi na tayo nag-Level 4. Sila na ‘yung nag-stop papunta ng mall, sila na mismo ‘yung tumigil sa mga ibang activities. That’s a good sign that we have learned so much from this pandemic,” ayon sa Kalihim.
Kailangan din aniyang mapagtanto ng mga Filipino ang kahalagahan na magpabakuna, kilalanin ang sintomas ng Covid-19, at mag-isolate kung kinakailangan.
“Kahit na marami ‘yung numbers na na-infect, hindi overwhelmed ‘yung ating health care facilities. ‘Yung nagkakasakit sa bahay lang gagaling so ibig sabihin pwede tayong magbukas ng mga economic activity. Ang kailangan lang dito ‘yung individual responsibility na watch out for yourself. Kapag ikaw ay naging close contact, dapat self-isolate na. Look out for symptoms,” aniya pa rin.
Samantala, inilagay din naman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal sa Luzon; Biliran at Southern Leyte sa Visayas; at Basilan sa Mindanao sailalim ng Alert Level 2 hanggang Pebrero 15, ayon kay , Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Maliban sa mga general guidelines, ang local government units ay maaaring magpatupad ng iba pang paghihigpit na “subject to evaluation.”
-
El Niño higit na titindi sa darating na mga buwan – PAGASA
TITINDI pa ang kasalukuyang nararanasang panahon ng El Niño sa bansa ngayong buwan hanggang sa susunod na mga buwan ngayong taon. Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum Jr. base sa kasalukuyang kundisyon, may katamtaman hanggang sa matinding tagtuyot ang mararanasan mula sa Pebrero hanggang Mayo ngayong taon. Una nang sinabi ni […]
-
PROYEKTONG MAS MAGPAPAANGAT SA BUHAY NG NAVOTEÑOS, SISIMULAN
INIHAYAG ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na sinimulan ng tambakan at i-develop ng San Miguel Corporation ang mga palaisdaan sa Tanza na may kabuuang 343 hectares airport support services. Ayon kay Mayor Tiangco, isa itong proyekto na lalong magpapaangat sa buhay ng bawat Navoteño dahil dito itatayo ang iba’t ibang airport support […]
-
Ads June 18, 2024