Korapsyon sa PhilHealth itinanggi ni Morales
- Published on July 27, 2020
- by @peoplesbalita
Itinanggi ni Philhealth President Ricardo Morales ang mga iregularidad sa ahensyang nasasakupan.
Kasabay nito ay hinamon din ng opisyal si Thorrsson Montes Keith, anti-fraud officer na nagbitiw sa pwesto na patunayan ang sinasabing “widespread corruption.”
“[Aabot sa] 50,000 transactions ang hina-handle ng PhilHealth araw-araw, palagay ko naman kung hindi corruption ‘yung mga inefficiencies diyan, mali ‘yung pasok [ng entries], kulang. Pero iyong sinasabi na korapsyon na may sindikato, may mafia, wala hong ebidensiya,” lahad ni Morales sa isang panayam.
“Kung may alam siyang corruption, ilabas niya. Mag-aantay pa siya ng August 31 [for his resignation to become effective]? Gawin na niyang Lunes o ngayon, kasi detrimental na ‘yung ano niya… it would compromise the corporation for him to stay, for him to have access to the resources of the corporation,” dagdag pa nito.
Lahad ni Morales, hindi nag-e-exist ang posisyong sinasabi ni Keith.
“Wala namang ganung position. Pumunta sa akin ‘yan noong isang araw, naga-apply sa position na hindi siya qualified, gusto palitan si Laborte. Hindi ko siya kilala, eh position of confidence iyong executive assistant,” paliwanag ni Morales tungkol sa posisyong Executive Assistant Etrobal Laborte.
“Hindi naman siya qualified roon kasi kailangan ng training, attitude,” lahad pa nito.
-
Tiyak na kapupulutan ng aral at inspirasyon ang bawat kuwento: CHARO, inamin na new challenge sa kanya ang bagong programa na tungkol sa OFW
MAY bagong programa si Ms. Charo Santos-Concio. Ito ay ang ‘Shine On Overseas Pinoy’ kung saan ang mga Overseas Pinoy ay magbabahagi ng kanilang kwento kung paano nila nilabanan ang lungkot na mawalay sa pamilya. Ibabahagi rin nila ang kanilang karanasan tungkol sa kahalagahan ng pagiging financially stable, pananatiling malusog, pagpapaaral […]
-
Mga nairehistrong sim cards sa bansa, umabot na sa mahigit 22-M – NTC
MAHIGIT 22.2 million SIM cards ang nairehistro na, tatlong linggo makaraang simulan ang mandatory registration period, ayon sa National Telecommunications Commission (NTC). Sinabi ni NTC Officer-in-Charge Commissioner Ella Blanca Lopez, na umabot na sa 22,298,090 ang SIM card registrants, as of Enero 18, o katumbas ng 13.20 percent ng kabuuang 168 million active […]
-
Viewer’s guide para sa ‘MMFF 2023’, inilabas ng MTRCB NAGLABAS ng viewer’s guide ang MTRCB para sa ten entries sa upcoming Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25, araw ng Pasko.
Ayon sa statement, “The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), in fulfillment of its mandate to provide age-appropriate ratings to Filipinos, is pleased to announce the official film ratings for the 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) entries: G (General Audience) – Suitable for all audiences Family of Two (A […]