• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Korea umatras na sa FIBA Asia Cup qualifiers dahil sa banta ng COVID-19

UMATRAS na ang Korea sa pagsali sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na gaganapin ngayong buwan sa Manama, Bahrain.

 

Ayon sa Korea Basketball Association (KBA) na dahil sa pangamba ng COVID-19 sa mundo ay kaya sila nagdesisyon na umatras na.

 

Nakatakda sanang makaharap nila ang Gilas Pilipinas sa Nobyembre 28 at ang koponan ng Indonesia sa darating na Nobyembre 30.

 

Pinangungunahan ni naturalized center Ricardo Ratliffe ang Korea na kilala na ngayon bilang si Ra Gun A.

 

Kasalukuyang nasa Group A ang koponan na mayroong dalawang panalo at wala pang talo ang koponan.

 

Dahil dito ay magkakaroon ng pagbabago ang mga schedule ng laro sa mga ka-grupo ng Korea.

Other News
  • Ads November 26, 2022

  • PCCI-NCR inilunsad ang 2024 Metro Manila Business Conference

    OPISYAL na inilunsad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry – National Capital Region (PCCI-NCR) ang 2024 Metro Manila Business Conference (MMBC) na naglalayong ‘pagsamahin ang kalakalan, teknolohiya at turismo para sa sustainable transformation.’         Isinagawa ang paglulunsad sa ginanap na joint general membership meeting ng PCCI-NCR North Sector noong Miyerkules sa […]

  • Motorcycle taxis babalik sa operasyon

    PINAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) ang muling operasyon ng motorcycle taxis matapos na ang House of Representatives ay aprobahan ang extension ng pilot study program.   Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, ang IATF ay pumayag sa muling operasyon ng motorcycle taxis study na ipapatupad at […]